Mga kwento tungkol sa GV Advocacy
Bahrain: Apat na Katao, Arestado Dahil sa Paggamit ng Twitter
Sa bansang Bahrain, may apat na katao ang inaresto dahil sa maling paggamit ng social media, ayon sa Ministeryo ng Interyor. Ngunit hindi idinetalye sa opisyal na pahayag ng pulisya...
Babala: Hindi Ligtas sa Internet!
Pinapakita sa infographic na ito ang iba't ibang paraan ng pagnanakaw ng mga personal na impormasyon sa internet.
Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality
Ang Netherlands ang kauna-unahang bansa sa Europa kung saan naisabatas ang pagpapatupad ng internet na walang kinikilingan, o ang tinatawag na net neutrality. Kasama dito, ipinasa din ang batas na mangangalaga sa privacy ng mga gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at sa pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan.
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”
Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
Tutoryal mula Occupy Wall Street: “Paano Kunan ng Bidyo ang Isang Himagsikan”
Araw ng Linggo noong ika-11 ng Disyembre 2011 nang inilimbag ng New York Times ang isang masusing ulat na naglalarawan sa papel na ginagampanan ng teknolohiyang livestream sa kilusang Occupy Wall Street. Kinabukasan, labimpitong mamamahayag ang inaresto, kabilang na ang mga miyembro ng pangkat ng Global Revolution livestream.