Netherlands: Unang bansa sa Europa na nagpatupad ng net neutrality

Marapat na ipagbunyi ng bansang Netherlands ang ika-8 ng Mayo, taong 2012, kung kailan naging kauna-unahang bansa ito sa Europa na lumagda ng batas na nagtatakda sa pagpapatakbo ng internet na walang kinikilingan, o ang net neutrality na tinatawag.

Ipinatupad din ng Netherlands ang karagdagang proteksiyon sa privacy ng gumagamit ng internet mula sa pangwa-wiretap at pagputol ng mga Internet Service Provider (ISP) ng koneksyon ng walang dahilan. Kaya ngayon, inaasahang wala nang magiging abala sa paggamit ng internet doon, maliban nalang kung ito ay mahalaga sa kapakanan ng publiko.

Mahalagang halimbawa para sa ibang bansa at sa buong mundo ang naturang pagsasabatas. Ayon Bits of Freedom, isang pangkat na tumulong sa pagsusulong ng nasabing panukalang batas, napakahalaga ng ilang dinagdag na probisyon tungkol sa pangangalaga sa privacy ng mga netizen [en]:

In addition, the law includes an anti-wiretapping provision, restricting internet providers from using invasive wiretapping technologies, such as deep packet inspection (DPI). They may only do so under limited circumstances, or with explicit consent of the user, which the user may withdraw at any time. The use of DPI gained much attention when KPN admitted that it analysed the traffic of its users to gather information on the use of certain apps. The law allows for wiretapping with a warrant.

Moreover, the law includes a provision ensuring that internet providers can only disconnect their users in a very limited set of circumstances. Internet access is very important for functioning in an information society, and providers currently could on the basis of their terms and conditions disconnect their users for numerous reasons. The provision allows for the disconnection in the case of fraud or when a user doesn’t pay his bills.

Bilang karagdagang kondisyon, bahagi ng batas ang pagbabawal sa pagwa-wiretap, lalo na ang paggamit ng mga internet provider ng teknolohiyang wiretapping gaya ng deep packet inspection (DPI). Maari lang itong gawin sa ilang pagkakataon, o kapag may pahintulot mula sa gumagamit ng internet, na maaari naman niyang bawiin anumang oras. Naging kontrobersyal ang DPI matapos umamin ang kompanyang KPN na inuusisa nito ang daloy ng paggamit ng internet upang kumalap ng impormasyon para sa ilang app. Pinapayagan naman ng batas ang pagwa-wiretap kapag may kaukulang patunay o warrant.

Dagdag nito, nakatakda din sa batas ang iilang pagkakataon kung kailan maaaring putulin ng internet provider ang koneksyon ng mga gumagamit ng internet. Mahalaga ang internet sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang lipunang umaasa sa impormasyon, at sa kasalukuyan, maraming dahilan ang maaaring gamitin ng provider para putulin ang koneksyon ng isang user batay sa nilagdaang kontrata. Nakasaad sa bagong batas na maaari lamang putulin ang koneksyon kapag ito ay ginagamit sa pandaraya o kapag hindi nagbabayad ang gumagamit nito.

Muli, binabati namin ang Netherlands!

Litrato mula kay erikwestrum, lisensyang Attribution Creative Commons 3.0

* Bagamat patuloy pa rin ang pagsasalinwika sa bagong batas na proyekto ng Bits of Freedom, isang NGO, maaari nang basahin ang ilang bahagi nito [en] mula sa kanilang site.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.