Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa

Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ang mga babae ay kasali sa isang pangkat ng mga 30 na modelo na nakasuot ng kulay kahel na damit, na tinatawag na “Damit ng mga Olandes”, na kasama rin sa ibinebenta sa nasabing tatak ng serbesang Olandes (maaari mong makita ang maraming mga larawan sa Flickr page ng Bavaria).

Lahat ng mga kababaihan ay pinalabas ng stadium habang ginaganap ang laban noong Lunes. Dalawang babaeng Olandes, na itinuturing na mga “pinuno” sa kampanya, ang inaresto noong umaga ng Miyerkules at kinasuhan sa paglabag sa patakaran ng pangangalakal. Pinalaya sila matapos magpiyansa ng 10,000 Rand (o mga humigit-kumulang 1000 Euro) noong kinahapunan ng Miyerkules; at ang kaso nila ay didinigin sa ika-22 ng Hunyo. Ayon sa ilang ulat, maaari silang mapatawan ng anim na buwang pagkakabilanggo dahil sa paglabag sa batas na nagbabawal sa pangangalakal na hindi awtorisado sa loob o malapit sa mga stadium ng World Cup.

Nagbigay ng komento sa kaso[nl] ang Ministro ng Ugnayang Panlabas ng Olanda na si Maxime Verhagen sa kanyang Twitter feed, kaugnay sa mga tanong sa ilan sa mga Olandes na gumagamit ng Twitter:

NL ambassade heeft Z-A om opheldering gevraagd, celstraf vanwege het dragen van oranje jurkjes is onzinnig @willemboele

Humingi ng paliwanag ang Embahada ng Olanda mula sa Timog Aprika, ang pagkakabilanggo dahil sa pagsusuot ng kulay kahel na damit ay pawang kabalintunaan @willemboele

Kanya ring iminungkahi na ilaban ng FIFA ang kasong ito sa hukuman [nl]:

Als FIFA een probleem heeft met oranje jurkjes kunnen ze dat juridisch uitvechten met het bedrijf, arrestatie is buiten proportie @edwinv73

Kung may problema ang FIFA sa mga kulay kahel na damit, maaari nilang ilaban ito sa hukuman laban sa kumpanya, ngunit ang pagdakip sa mga tao ay labis na @willemboele

Humingi ng paliwanag ang Embahada ng Olanda mula sa Timog Aprika, ang pagkakabilanggo dahil sa pagsusuot ng kulay kahel na damit ay pawang kabalintunaan @willemboele

Kanya ring iminungkahi na ilaban ng FIFA ang kasong ito sa hukuman [nl]:

Als FIFA een probleem heeft met oranje jurkjes kunnen ze dat juridisch uitvechten met het bedrijf, arrestatie is buiten proportie @edwinv73

Kung may problema ang FIFA sa mga kulay kahel na damit, maaari nilang ilaban ito sa hukuman laban sa kumpanya, ngunit ang pagdakip sa mga tao ay labis na @edwinv73

Sumagot naman ang Twitter user na si @edwinv73 [nl]:

@MaximeVerhagen het is wel goed voor de economie. Bavaria gaat wel nu wereld veroveren. Succes met het vrij krijgen

@MaximeVerhagen sa kabilang banda, maganda ito para sa ekonomiya. Pamumunuan na ng Bavara ang buong mundo. Nawa's swertehin kayong palayain sila

Ilan sa mga Twitter users gaya ni @SportKnowhowXL, ang lumibak [nl] sa buong pangyayari:

Op verzoek van hoofdsponsor Hyundai heeft de #fifa besloten dat de Japanse ster Keisuke Honda niet meer aan het #wk2010 mag meedoen #bavaria

Sa kahilingan ng pangunahing isponsor, nagpasya ang Hyundai #fifa na hindi na dapat payagan pang sumali sa #worldcup2010 ang Hapones na si Keisuke Honda #bavaria

Isang ispesyal na Twitter account ang binuo para suportahan ang mga kababaihan, at upang iulat ang mga bagong balita tungkol sa kaso: @freethebabes [nl].

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.