Ako ay ipinanganak sa lungsod ng Quezon, at kasalukuyang naninirahan sa lungsod ng Caloocan. Isa akong blogger, at kasalukuyang nagsusulat sa Derek.PH.
Hilig ko ang pagsusulat, at lahat ng aking mga karanasan o pananaw sa buhay ay aking isinusulat sa aking blog.
Mga bagong posts ni Derek Carlos
Sa Mundo ng Arab: Maharlikang Kasalan ang Namamayani
Ang usap-usapan tungkol sa gaganaping pag-iisang dibdib ni Prinsipe William at Catherine Middleton bukas (Abril 29) ay nakarating na sa Gitnang Silangan, kung saan ang ilan sa mga tweeps ay tumigil panandalian sa pagbabalita sa mga nagaganap na pag-aalsa, upang pagmasdan ang seremonya at pagtanggap, na gaganapin sa Buckingham Palace.
Cambodia: Mga Awit tungkol sa Facebook
Hindi pa itinuturing na isang banta sa pamahalaan ang Facebook. Gumawa ang mga pulitiko, sa pamumuno ni Punong Ministro Hun Sen (na nasa kapangyarihan na noon pang 1985), ng kanilang sariling pahina sa Facebook kung saan sila nakikipag-ugnayan sa mga mamamayan ng Cambodia. Gayunpaman, mayroong isang mas bago at interesanteng bagay na nauuso ngayon sa Facebook sa bansa: lumilikha ang mga mamamayan ng Cambodia ng mga kanta tungkol sa Facebook.
Taiwan: Nasaan ang mainland?
Tinalakay ni Tim Maddog sa Taiwan Matters ang paggamit ng mga tao sa Taiwan sa salitang “mainland” upang tukuyin ang Tsina. Iginiit niya na ito ay bahagi ng mga turo...
Tsina: Panunumpa ng isang Mamamayan
Isinalinwika ni C. Custer ng China Geek ang panunumpa ng mamamayan na isinulat ng isang blogger, Tiger Temple, at umiikot ngayon sa Internet. Ang panunumpa ay isang moral na pahayag...
Tsina: Pribadong Pag-aalagang Pangkalusugan
Isinulat ni Tessa Thorniley ng DANWEI sa kanyang blog ang tungkol sa pagsusulong ng pribadong pag-aalagang pangkalusugan sa Tsina.
Hapon: Online Seminar tungkol sa Digital na Pamamahayag
Nagdaraos si Joi Ito ng lingguhang seminar tungkol sa digital na pamamahayag sa Pamantasan ng Keio, na maaaring masaksihan ng live sa UStream. Ang mga panauhin ngayon ay ang mamamahayag...
Timog Korea: Tensyon Namanhid dahil sa World Cup
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang Korea, na mas tumitindi pa mula ng diumano'y palubugin ng isang torpedo ng Hilagang Korea ang bapor pandigma ng Timog Korea, ay panandaliang naibsan dahil sa matinding emosyon na tanging ang World Cup lamang ang makapagdadala. Laganap ngayon sa mga blogs ng mga taga-Timog Korea ang kanilang taos-pusong komento tungkol sa laban ng Hilagang Korea sa Brazil. Panandaliang isinantabi ng mga blogger ang pulitika at pinapurihan ang pangunahing manlalaro ng koponan ng Hilagang Korea na si Jong Tae Se.
Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa
Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ipinagtanggol sila ng Ministro sa Ugnayang Panlabas ng Olanda sa Twitter.
Mehiko: Handa nang Kalabanin ang Pransiya
Sinimulan ng Mehiko ang 2010 FIFA World Cup sa laro nito laban sa Timog Aprika; and resulta ay patas, 1-1. Ang susunod na kalaban ng Mehiko ay Pransiya, at ang mga gumagamit ng Twitter ay ginagamit ang nasabing site para ipahayag ang kanilang mga inaasahan para sa isang mahirap ngunit nakasasabik na laban.
Panoorin ang World Cup sa Pandaigdigang Tinig: May Live Chat Para sa Urugway vs. Pransiya
Ang World Cup ng putbol, ang hindi kataka-takang isa sa pinaka-pandaigdigang pampalakasan, ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinente ng Aprika. Samahan ninyo kami sa panonood at pagtatalakay sa kaganapang ito sa pangalawang laro sa Araw ng Pagbubukas.
Pilipinas: Magaling at Malubhang Paaralang Pang-silid-aklatan
Narito ang talaan ng mga pinakamagaling at pinakamalubhang paaralang pang-silid-aklatan sa Pilipinas, batay sa blog post ng Filipino librarian
Pilipinas: Kongreso Bigo sa Pagpasa ang Panukalang Batas na Kalayaan sa Impormasyon
Ang huling sesyon ng Kongreso ng Pilipinas ay matatandaan dahil sa kabiguan nitong maipasa ang panukalang batas tungkol sa Kalayaan sa Impormasyon, isang mahalagang batas na magpapatupad ng isang alituntunin ng pagsiwalat sa mga pamamalakad ng pamahalaan. May opinyon ang mga bloggers tungkol dito. The Philippine Congress last session was marked by its failure to pass the Freedom of Information Bill, a landmark measure that will enforce a policy of disclosure to government transactions. Bloggers react
Tsina: Ang Unang Nobelang Tsino sa Twitter?
Inilahad ng isang dating guro at dating prokurator na ngayon ay isa nang tanyag na blogger at komentaristang pulitikal sa Tsina na Lian Yue sa kanyang blog na siya ay nagpasimula ng isang nobela, na pinamagatang 2020 sa Twitter ngayong buwan. Ayon sa kanyang blog, magtatagal ang nasabing nobela hanggang sa taong 2020.
Pilipinas: Blogger Kinasuhan ng Miyembro ng Gabinete
Isinulat ng blogger na si Ella Ganda mula sa Pilipinas noong Oktubre na ang mga relief goods na dapat sana ay para sa mga biktima ng bagyo ay itinatago lamang sa loob ng bodega ng pamahalaan. Tatlong buwan ang lumipas, sinampahan siya ng kasong libelo ng isang kawani ng pamahalaan. Nais malaman ng kapulisan ang kanyang pangalan. Tumugon naman ang mga lokal na bloggers sa usaping ito.