Ang World Cup ng putbol, ang hindi kataka-takang isa sa pinaka-pandaigdigang pampalakasan, ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinente ng Aprika. Binigyang diin ng Pandaigdigang Tinig ang marami sa mga tinig ng mga mamamayan na tumatalakay sa kaganapang ito at ang epektong sosyal nito sa buong mundo.
Sa pagsisikap na maipagpatuloy ang usapang ito, naisip naming subukan na magkaroon ng tunay-na-oras o real time na talakayan habang ang mga laro ay ginaganap. Magsisimula tayo sa sagupaang Pransiya at Urugway na gaganapin sa unang araw ng torneyo sa ika-11 ng Hunyo, ika-20:30 sa Timog Aprika [New York 14:30 | Buenos Aires 15:30 | Beirut 21:30].
Para makita ang iyong lokal na oras, maaari mong i-click ang match index ng FIFA.
Ang mga bansang Pransiya at Urugway ay pamilyar nang magkatunggali dahil nagpatas sa 0-0 ang Urugway sa Pransiya, na noo'y kampeon sa World Cup noong torneyo taong 2002.
Samahan ninyo kami sa panonood at pagtatalakay sa kaganapang ito, at sama-sama tayong maghintay sa ilang minuto bago magsimula ang laro (20:30, lokal na oras). Magkakaroon tayo ng mga kalahok mula sa Urugway at Pransiya, ngunit magkakaroon din sa maraming bansa sa Aprika at Timog Aprika. Maraming bloggers at tagasalin ng Pandaigdigang Tinig ang manonood sa torneyo. Samahan ninyo kami!
Mayroon ding talakayan sa Pandaigdigang Tinig sa Wikang Pranses.