Ang huling sesyon ng Kongreso ng Pilipinas ay matatandaan dahil sa kabiguan nitong maipasa ang panukalang batas tungkol sa Kalayaan sa Impormasyon, isang mahalagang batas na magpapatupad ng isang alituntunin ng pagsiwalat sa mga pamamalakad ng pamahalaan. Paparusahan ng nasabing panukalang batas ang mga opisyal na magtatanggi ng karapatang makita ang mga impormasyon. Mahalaga ang papel na gagampanan ng panukalang batas na ito, dahil ipapatupad nito ang konstitusyonal na karapatan ng tao na makaalam. (Ang piñata na panukalang batas ay mababasa ng buo dito).
Masusing binabatanyan ng blog ng Philippine Center for Investigative Journalism na The Daily PCIJ ang progreso ng Kalayaan sa Impormasyon na panukalang batas. Iniulat ng The Daily PCIJ ang mabilisang sanhi ng kamatayan ng panukalang batas na ito:
Ipinagpaliban sine die (walang susunod na sesyon) ng Ispiker ng Kapulungan ng mga Kinatawan na si Prospero Nograles ang lehislatibong sesyon ng ika-14 na Kongreso, na pumigil sa pagpapatibay sa Batas para sa Kalayaan sa Impormasyon.
Ang pagpapaliban ay naganap matapos bilangin ng Kalihim-Heneral ang 128 na nagsidalong kinatawan para sa sesyon na iyon, na hindi sapat para sa isang quorum.
Iniulat rin ng Pulitika2010, “ang mga pangalan ng 139 na kinatawan na maaaring lumiban o naroroon ngunit hindi tumugon sa pagtawag” at naging sanhi nga ng pagkamatay ng nasabing panukalang batas.
Iniugnay ng Anti-Pinoy ang hindi pagsasapasa ng panukalang batas sa usapin ng palagiang pagliban ng mga tao sa pamahalaan (katulad ng sa kaso ng mga lumiban na kinatawan) at nagpanukala na ipasa ito sa pamamagitan ng isang People's Initiative.
Dahil sa kalagayan ng teknolohiya ngayon, masasasabi ko – kung hindi gagawin ng mga mambabatas ang kanilang tungkulin – kami, ang mga mamamayan – ang gagawa ng tungkuling ito. Malalaos ng mamamayan ang mga mambabatas sa pamamagitan ng pagsasabatas gamit ang digital crowdsourcing technologies. Ang sinasabi ko ay isang tunay na people power – na magdadala ng sagot gamit ang mga institusyonal na mekanismo na ibinigay ng Saligang Batas ng Pilipinas at ng kaugnay na batas – RA 6735 – o ang Batas sa Inisyatibo at Reperendum.
Tinawag ng The Marocharim Experiment ang Kongreso na isang “Haligi ng Kahihiyan” at ipinaliwanag ang mga implikasyon ng pagkamatay ng panukalang batas sa pamamahala sa Pilipinas.
Ang malaya at bukas na transaksyon ng Pamahalaan at ang pagpapakita ng mga tala at datos ay isang pangako at saligan ng isang malinis at tapat na pamamahala. Kung ito ay ikukubli sa isang sapot ng pagsasalihim, at pinayagang patakbuhin sa ilalim ng pagsasapakatan ng katahimikan, walang Pamahalaan ang makakapagsabi na sila ay bukas at malinis. Kung ang mismong sistema ng pamamahala ay sarado sa tao, kung saan ang tao ay pinipilit piringan para hindi makita ang sistema na nararapat lamang nilang bantayan, ang sistemang iyon ay hindi masasabing malaya.
Nakikita ng The Journey Continues and nakatagong kamay ng palabas na pamahalaang Arroyo:
Kamakailan lamang noong ang dating tagapangasiwa ng NEDA na si Romulo Neri ay tumangi na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang pakikipag-usap sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga usapin tungkol sa kontrobersiya sa ZTE-NBN at sinasabing ito ay isang “pribilehiyong ehekutibo”. Dahil dito makikita na ayaw ng pamahalaan na makita ng publiko ang mga kalansay ng kanilang pamamahala.
Nakita naman ni Mon Casiple ang kabiguang ito bilang isa na namang halimbawa nang lantarang pag-abuso ng pamahalaang Arroyo sa kapangyarihan.
At hindi na nga magiging batas ang Kalayaan sa Impormasyon. At nasaksihan natin ang isang matandang gawain kung saan pinarupok ng pamahalaang Arroyo and demokraistema na nararapat lamang nilang bantayan, ang sistemang iyon ay hindi masasabing malaya.
Nakikita ng The Journey Continues and nakatagong kamay ng palabas na pamahalaang Arroyo:
Kamakailan lamang noong ang dating tagapangasiwa ng NEDA na si Romulo Neri ay tumangi na magbigay ng karagdagang detalye tungkol sa kanyang pakikipag-usap sa Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa mga usapin tungkol sa kontrobersiya sa ZTE-NBN at sinasabing ito ay isang “pribilehiyong ehekutibo”. Dahil dito makikita na ayaw ng pamahalaan na makita ng publiko ang mga kalansay ng kanilang pamamahala.
Nakita naman ni Mon Casiple ang kabiguang ito bilang isa na namang halimbawa nang lantarang pag-abuso ng pamahalaang Arroyo sa kapangyarihan.
At hindi na nga magiging batas ang Kalayaan sa Impormasyon. At nasaksihan natin ang isang matandang gawain kung saan pinarupok ng pamahalaang Arroyo and demokrasya sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang sariling mga batas (Saligang Batas, alituntunin sa Mababang Kapulungan). Ang usapin sa quorum ay kapantay na sa mga dati nang nagawa ng gobyerno – pekeng pagpapasa ng impeachment complaints laban kay GMA, ang pagbibigay ng bagong kahulugan sa “midnight appointment”, ang hindi tamang pagpapabilis ng mga alituntunin sa pag-aangkin at ang pagdedeklara ng batas miliar dahil sa “katayuan ng kagipitan”.
Iniulat muli ng Life in Gloria's Enchanted Kingdom ang isang imbestigatibong kwento sa mga lihim na ayaw mabunyag ni Ispiker Nograles, isang kakampi ng administrasyon na naging daan sa tuluyang pagkamatay ng panukalang batas.
Ang mga may-akda ng namatay na panukalang batas ay matagal nang isinuwalat na si Nograles at ang kanyang mga kakampi ay nagpakita ng kanilang di pagsang-ayon dito: maari itong gamitin sa rebyu at audit, sa paraang may bisa sa nakaraan, ang mga gawa at pasya ng mga mambabatas at mga opisyal ng gobyerno.
ANO ANG LIHIM o mga lihim ng Kapulungan ng mga Kinatawan sa ilalim ni Ispiker Prospero Nograles ang makakatakas sa pagsusuri ng publiko, sa kabila ng kabiguan ng Kongreso na mapatibay ang batas sa Kalayaan sa Impormasyon nitong nakaraang Biyernes.
May mga nakikita namang posibleng hindi wastong pagsasatupad at pag-aabuso sa Kalayaan sa Impormasyon ang Rising Sun.
Gaano ba kahalaga ang batas sa kalayaan sa impormasyon sa ating bansa ngayon?
Hindi ako ganoon kasigasig tungkol sa pagsasabatas ng panukalang Kalayaan sa Impormasyon dahil mas mahihirapan lang ang mga mamamahayag na mangalap ng impormasyon. Isa sa mga napakaimportanteng probisyon ng pagsisiwalat ng mga pinagtitiwalaang dokumento matapos ang tiyak na panahon ay wala sa panukala. Wala ring ispesyal na probisyon tungkol sa pagtanggap ng mga mabilisang pagsusuri ng mga mamamahayag na may mga huling araw o oras na kailangang sundin.
Kung maisasabatas, ano ang mga pagbabago na maaari nitong maibigay kumpara sa mga nakaraang batas para sa midya sa bansa? Hindi pa ba sapat ang mga naipasang batas para sa midya noon? Bakit hindi?
Sa aking pananaw, pinapagana ng panukalang ito ang konstitusyonal na garantiya para sa kalayaan sa impormasyon, na makakabuti para sa taumbayan. Gayunpaman, maaaring malagay sa kompromiso ang pagtupad sa propesyon ng mga mamamahayag, dahil sa nakasaad na waiting period para sa pagpoproseso ng mga hiling para sa impormasyon. Sa usaping ito, ang mga batas para sa midya ay hindi pinatitibay kung hindi pinahihina, depende sa kung paano ipapatupad ng susunod na pamahalaan ang batas na ito (sakaling naisabatas na).
Nakakakita pa rin ng konsolasyon ang Government and Taxes sa hindi pagkakapasa ng panukalang batas.
Ang kawalang kasiyahan ng liderato sa Mababang Kapulungan, at pati na rin ang paalis na pangulo ng bansa, sa panukalang batas na ito ay malinaw. Ilang buwan bago ang halalan noong Mayo 10, napatibay ng Mababang Kapulungan ang maraming panukala na pinagtagumpayan ng bicameral conference committee, maliban sa Kalayaan sa Impormasyon na panukalang batas.
At gaya ng nabanggit na, ang Kalayaan sa Impormasyon ay ipinanukala 14 taon nang nakakalipas sa tulong ng mga civil society groups at ng midya.
Isa itong halimbawa kung gaano ang isang MALAKING pamahalaan ay hindi masaya sa mas bukas at mas maraming pananagutan.
May isang pampagaan ng loob naman: ang panukala para sa pagbuo ng bagong burukrasya, ang “Philippine Tax Academy” ay hindi rin naisabatas ngayon.
The Philippine Congress last session was marked by its failure to pass the Freedom of Information Bill, a landmark law that will enforce a policy of disclosure to government transactions. The proposed law sanctions officials who deny access to information and is perceived as essential to ensuring the people's constitutional right to know (The killed bill can be read in full here).
The Daily PCIJ blog of the Philippine Center for Investigative Journalism closely follows the fortunes of the Freedom of Information Bill. The Daily PCIJ reports on the immediate cause of the bill's death:
House Speaker Prospero Nograles adjourned sine die (without a next session) the legislative session of the 14th Congress moments ago, shutting the door for the ratification of the Freedom of Information (FOI) Act.
The adjournment came after the House secretary-general counted 128 congressmen present in today’s session, two shy of a quorum.
Pulitika2010 reposts “the names of 139 congressmen who were either absent or were present but did not respond to the roll call” and thus led to the death of the bill.
Anti-Pinoy links the non-passage of the bill to the issue of absenteeism in government and proposes its passage through People's Initiative.
Given the state of technology today, I say – if the lawmakers will not do their job – we, the citizens – can, and will. The citizens will render the lawmakers obsolete by crafting legislation via digital crowdsourcing technologies. I am talking of genuine people power – managed to deliver results via institutional mechanisms provided in the Philippine Constitution and the accompanying enabling law – RA 6735 – or the Initiative and Referendum Act.
The Marocharim Experiment calls Congress a “Pantheon of Shame” and elaborates on the implications of the bill's death on Philippine governance.
Free and open Government transactions and the access to records and data is the promise and the premise of clean, honest governance. When cloaked in a shroud of secrecy, and when allowed to operate under a conspiracy of silence, no Government can ever claim to be transparent, open, and clean. When the very system of governance remains closed to the public, when the public is deliberately kept blind from the system that they are supposed to watch, then that system is anything but free.
The Journey Continues sees the hidden hand of the outgoing Arroyo administration.
It’s not long ago when then NEDA Director General Romulo Neri refused to disclose the details of his conversation with President Gloria Macapagal-Arroyo on the matters of the ZTE-NBN controversy invoking “executive privilege.” Evidently, this government don’t want the public to see the skeletons in their closet.
Mon Casiple sees the failure as another example of the Arroyo administration's brazen abuse of power.
Alas, FOI law will not be. And we beheld the classic method by which the Arroyo administration undermined the democratic order by using the latter’s own rules (Constitution, laws, and House rules). The quorum question ranks right up there with the false filing of impeachment against GMA, the redefinition of a “midnight appointment”, short-cutting of procurement rules and regulation, and declaring martial rule through a “state of emergency.”
Life in Gloria's Enchanted Kingdom reposts an investigative story on the skeletons in the closet of House Speaker Nograles, the administration ally instrumental in the death of the bill.
The authors of the aborted bill have since disclosed that Nograles and his allies raised one big objection to the bill: it could be used to review and audit, in a retroactive manner, the deeds and decisions of lawmakers and public officials.
WHAT SECRET or secrets of the House of Representatives under Speaker Prospero Nograles would escape public scrutiny, amid Congress’s failed effort to ratify the Freedom of Information Act last Friday
Rising Sun have reservations on the potentials for misuse and abuse of the proposed Freedom of Information Bill.
How important is the right to information act to the country today?
I’m not too enthusiastic about the passage of the proposed FOIA because it could make things harder for journalists in gathering information. The crucial provisions on disclosure of confidential documents after a certain period of time is also absent. There is also no special provision in the handling of urgent inquiries of journalists who have deadlines to beat.
If ratified, what changes would it bring compared to previous media laws in the country? Were the media laws passed before not enough? Why not?
In my opinion, it provides an enabling law to the constitutional guarantee of freedom of information, which is good for the general public. The practice of the journalism profession, however, may be compromised due to the prescribed waiting period for processing requests for information. Media laws, in this context, are not strengthened and in fact weakened, depending on how the FOIA (once it’s passed into law) will be implemented by the next administration.
Government and Taxes still finds some consolation in the bill's non-passage.
The displeasure of the House leadership, and most likely also the outgoing President of the country, of this bill is clear. Just a few months ago before the recent May 10elections, the House ratified several bills that hurdled the bicameral conf. committee, except the FOI bill.
And as mentioned, this bill has been proposed for the last 14 years until this year. Advanced by a number of civil society groups and media.
This is one example how BIG government is never happy with more transparency and more accountability.
There was one consolation though: a bill creating a new bureaucracy, the “Philippine Tax Academy” was also not ratified today.