Timog Korea: Tensyon Namanhid dahil sa World Cup

Ang tensyon sa pagitan ng dalawang Korea, na mas tumitindi pa mula ng diumano'y palubugin ng isang torpedo ng Hilagang Korea ang bapor pandigma ng Timog Korea, ay panandaliang naibsan dahil sa matinding emosyon na tanging ang World Cup lamang ang makapagdadala. Laganap ngayon sa mga blogs ng mga taga-Timog Korea ang kanilang taos-pusong komento tungkol sa laban ng Hilagang Korea sa Brazil. Panandaliang isinantabi ng mga blogger ang pulitika at pinapurihan ang pangunahing manlalaro ng koponan ng Hilagang Korea na si Jong Tae Se.

Ang laban kahapon sa pagitan ng Hilagang Korea at Brazil ay hindi inaasahan, kung saan ang koponan ng Hilagang Korea, na nasa ika-105 na puwesto sa FIFA, ay nakapuntos ng isang goal laban sa pinakamagaling na Brazil, na natalo sa laban ng 2-1 lamang.

Ang mga blog ng mga Koreano ng Timog ay puno ng mga papuri sa koponan ng Hilagang Korea na lumaban at nanalo laban sa koponang mahigpit na kalaban ng lahat. Alam ng mga Koreano kung gaano kahirap para sa mga manlalarong Asyano ang makipagkumpetensya laban sa mga mas matatangkad at mas may karanasan na mga manlalarong European at Aprikano na nagmula sa mga bansang likas na magagaling sa putbol, kaya nagpahayag sila ng simpatya at suporta sa koponan ng Hilagang Korea. Ayon sa pahayagan ng Asiatoday, kahit ang pangulo ng Timog Korea na si Lee Myung-bak ay naiulat na nagsabing maging siya ay humihiling na manalo ang koponan ng Hilagang Korea.

Isang blogger na nagngangalang Duizilland ang nagkomento sa kanyang blog ay nagsabing nagkaroon siya ng inspirasyon dahil sa mga manlalaro ng Hilagang Korea, na kahit na hindi sapat ang kanilang pisikal na kaanyuan at kulang ang karanasan sa World Cup, ay nakapaglaro ng buong husay laban sa isang mahirap talunin na katunggali.

북한은 전 세계의 축구팬들에게 약팀이 보여줄 수 있는 모든 것을 보여주었다…소위 축구 강대국들 입장에서야 따분하기 짝이 없는 결과이겠지만 우리 입장에선 아무리 축구 외적인 문제에서 정치, 역사적 불협화음을 빚어도 결국 같은 Korea 라는 대승적 차원에서 상당히 고무적인 현실이다…난 오늘 남북간 정치적 관계를 떠나 축구팬으로서 피파랭킹 105위의 북한 선수들이 피파랭킹 1위의 브라질을 상대로 펼치는 투혼에 너무나도 감명받았기 때문에.

Taglay ng Hilagang Korea ang lahat ng katangian ng isang mahinang koponan… Para sa mga bansa na may malalakas na koponan ng putbol maaaring nakayayamot o hindi makabuluhan ang resulta ng laban na ito, pero ipinakita lamang nito na kabilang kami sa parehong Korea, kahit na mayroong umiiral na kaguluhan sa pulitika at kasaysayan at iba pang walang kinalaman sa pubol… Sinasabi ko ngayon bilang isang purong tagahanga ng putbol, na walang interes na pulitikal, na ako ay sadyang napahanga sa ipinakitang tibay ng loob ng koponan ng Hilagang Korea na pang-105 lamang sa FIFA, na lumaban sa nangungunng koponan ng Brazil.

Jong Tae-Se
Ang larawan ni Jong Tae-Se, ang alas ng koponan ng Hilagang Korea na hindi napigilang hindi maiyak bago magsimula ang laban ay saglit na ipinakita sa pangunahing pahina ng opisyal na homepage ng FIFA at ngayo'y umiikot na sa mga blog ng mga Timog Koreano. Sinabi ni Jong kalaunan sa media na lubos niyang ikinagulat at ikinatuwa ang katotohanang nakatayo na ngayon siya sa loob ng stadium ng World Cup at lumalaban sa pinakamagaling na koponan ng putbol sa mundo.

Si Jong Tae-se, na binabaybay na Jeong Dae-se sa Timog Korea at Chong Tese sa Hapon, ay isang tanyag na manlalaro ng putbol na galing sa pambansang koponan ng putbol sa Hilagang Korea. Kadalasang tinatawag si Jong bilang ‘People's Rooney’, na kombinasyon ng Rooney galing sa pangalan ni Wayne Roony na tanyag na manlalarong Ingles, at ‘People’ o ‘Tao’ galing sa opisyal na pangalan ng Hilagang Korea, ang Democratic ‘People’ Republic of Korea (Demokratikong Republika ng mga Tao ng Korea).

Isang blogger ng Naver na si Zzub 33 ay sinabi sa kanyang blog na nadala siya sa mga luha ni Jong.

궁극적으로 한민족이라는 까닭에 북한의 선전을 기원했지만, 객관적인 실력과 주변의 평가에 너무 긴장되기도 했습니다.그러다가 브라질과 북한의 국가가 흘러나오고 양국 선수들이 경기를 시작하려고 할 쯔음에 뭔가 찡-해지는 느낌을 어떻게 할 수가 없더군요. 보는 이마저 찡하게 만든 정대세 선수의 눈물은…인상이 깊더군요.

Ipinalangin ko na sana'y makalaban ng mahusay ang Hilagang Korea, dahil iisang bansa naman talaga kami (Timog at Hilagang Korea), ngunit kinabahan talaga ako dahil alam ko kung ano ang tunay na kakayahan ng koponan ng Hilagang Korea at kung ano ang propesyonal na ebalwasyon tungkol dito… Habang tinutugtog ang pambansang awit ng Brazil at Hilagang Korea at habang naghahanda ang dalawang koponan, nakaramdam ako ng matinding emosyon na hindi ko maialis sa aking sarili. Ang mga luha ni Jong Tae Se ay pumukaw sa damdamin ng mga manonood… at ito ay talagang kahanga-hanga.

Kahit na ipinanganak si Jong Tae-se sa bansang Hapon at naglaro sa liga ng putbol dito, mamamayan siya ng Timog Korea dahil namana niya ito mula sa kanyang mga magulang. Sa kalaunan, iwinaksi ni Jong ang kanyang pagkamamamayan ng Timog Korea upang sumali sa koponan ng Hilagang Korea.

Isinulat ng blogger na si ‘Tweewg’ sa kanyang blog na pinangingibabawan ng putbol ang nasyonalidad.

이 경기의 포인트는 여러가지가 있다.그중에서도 단연 한 가지만 꼽으라면 인민 루니, 정대세 선수이다…외국인이 아닌 우리의 눈에는 그가 광장히 독특한 이력을 가진 선수다. 간단히 말해 정대세는 한국 국적이다. 그러나 일본에 살고 있으며, 북한 국가대표로 월드컵에 나서고 있다. 전세계에 전무후무한 국적을 떠나 사는 곳을 떠나 그는 소속팀을 정한 것이다. 그의 정치적 입장도 사상도 나는 잘 알지 못한다…축구는 스포츠다.

Maraming magagandang pangyayari mula sa laban na ito… Una, ito ay ang People's Rooney na si Jong Tae-se… Para sa aming mga Koreano, kakaiba ang kanyang karanasan. Ang kanyang nasyonalidad ay Timog Korea, ngunit nakatira sa bansang Hapon at isang manlalaro ng koponan ng Hilagang Korea. Ito ay isang kaso, na wala pang ibang nakagagawa, ng pandaigdigang antas kung saan pinili ng isang tao ang kanyang koponan, kahit na iba pa ito sa kanyang pagkamamamayan at tirahan. Hindi ko masyadong alam ang kanyang katayuan sa pulitika o ang kanyang ideolohiya… Ang putbol ay isa lamang larong pampalakasan.

May mga matitinding naisulat mula sa kabilang banda na nagpapahayag ng kanilang pagkarimarim sa ipinapakitang magiliw na ugali sa Hilagang Korea, na opisyal na kalaban ng estado ng Timog Korea. Ngunit dahil niyakap na panandalian ng World Cup ang pulitika, ang mga komentong nagpapahayag ng suporta sa mga manlalaro ng Hilagang Korea ay maaaring magpatuloy sa buong buwan ng Hunyo.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.