Inilahad ng isang dating guro at dating prokurator na ngayon ay isa nang tanyag na blogger at komentaristang pulitikal sa Tsina na Lian Yue sa kanyang blog na siya ay nagpasimula ng isang nobela, na pinamagatang 2020 sa Twitter ngayong buwan. Ayon sa kanyang blog, magtatagal ang nasabing nobela hanggang sa taong 2020.
Kung hindi ako nagkakamali (kung maaari ay pakitama ako kung ako man ay mali), ito ang kauna-unahang nobelong Tsino na ipapalabas sa Twitter. Sinasabing si Matt Stewart ang kauna-unahang manunulat na nagpalabas ng isang full-length na pampanitikang nobela, The French Revolution, sa Twitter. Napagpasyahan niyang gawin ito matapos mabigong makahanap nang maglalahathala para sa kanyang “mapanganib” na nobela. Ngunit para kay Lian Yue, ang kanyang pagganyak ay medyo naiiba. Ito ang dahilan kung bakit:
这跟在浴室唱歌同一个道理。人在放松自由的时空里,你会想到娱乐自己,你有创造与表达的热情。浴室歌声无法发行,偶然听到的人也许耳朵要受罪,可是那个在水雾中温暖松弛的家伙,他无法控制自己啊。
Ito ay parang pag-awit habang naliligo. Kapag ikaw ay panatag, malilibang mo ang iyong sarili; mayroon kang silakbo ng damdamin para sa pagiging malikhain at pagpapahayag. Hindi dapat malathala ang pagkanta habang naliligo. Ang sinumang makakarinig noon ay maaaring magdusa. Ngunit para sa isang lalaki na nililibang ang kanyang sarili sa mahamog na banyo, hindi niya magagawang pigilan ang kanyang sarili.
气候稍稍回暖以后,不必穿得那么厚,泥土也变软了,友好地保存你的鞋印,就像苗要从缝里钻出,创造性在这个阶段也是靠它的多义与暧昧甩掉追踪的尾巴,面对指控也可以自我辩护,好比巧妙的示爱,遭拒后并不丢脸。
Mas mainit ngayon ang panahon; hindi na natin kailangan pang magsuot pa ng makakapal na damit. Mas malamot na ngayon ang lupa; maaaring mapanatili nito ang bakas ng iyong paa. Ito'y parang punla na umuusbong mula sa isang bitak. Sa yugtong ito, aasa ang pagkamalikhain sa angkin nitong kalabuan, upang makatakas sa mga paratang at nang maipagtanggol ang sarili. Ito'y parang pagpapahayag ng iyong pag-ibig sa ibang tao, ngunit hindi ka makakaramdam ng hiya kung ikaw man ay tatanggihan.
只不过,这场游戏不是爱情,谁也不知道哪块肉里有刺,不小心碰到了就痛得发火。创造力还是佯狂装醉,这对思维照样有害。李白与怀素不敢喝醉,只能在微醺中算计,这对他们来说,就失去了一切活力。
Subalit hindi ito isang pag-iibigan. Walang nakakaalam kung saan nagkukubli ang kirot. Kung magiging pabaya ka, masasaktan ka. Ngunit kung magpapanggap ka lang na ikaw ay galit at lasing, magiging masama ito sa iyong mala-sining na pag-iisip. Kung hindi nagpakalasing sina Li Bai at Huai Su [mga sinaunang manunula at tagasulat], hindi nila maiwawala ang kanilang kalakasan.
假如一个人在受酷刑,头被摁在水里,快要憋死时,可以探头吸一口气,此时呼吸是唯一主题。而到了正常呼吸的时候,呼吸却被忽视了,这个人就会去找一些别的事情消磨时间。在twitter上就是这种感觉,有创造力的新人们,在那里相会吧。
Ipagpalagay na natin na ang isang tao ay pinahihirapan at inilulubog sa tubig. Kapag hindi na siya makahinga, at makakita siya ng pagkakataong huminga, ang paghinga na lang ang kanyang iisipin. Kapag humihinga siya ng normal, makakalimutan na niya na siya ay humihinga. Maghahanap siya ng ibang mapaglilibangan. Nararamdaman ko ito kapag nasa Twitter ako. Para sa mga malikhain at negosyante, magkita tayo doon.
Kung nakakabasa ka ng Intsik, maaari mong sundan ang nobela sa twitter.com/lianyue (hashtag #ly2020).