Sa Mundo ng Arab: Maharlikang Kasalan ang Namamayani

Watawat ng maharlikang kasal na ibinebenta sa isang tindahan sa London

Watawat ng maharlikang kasal na ibinebenta sa isang tindahan sa London mula kay John Harper © Copyright Demotix (25/04/11)

Ang usap-usapan tungkol sa gaganaping pag-iisang dibdib ni Prinsipe William at Catherine Middleton bukas (Abril 29) ay nakarating na sa Gitnang Silangan, kung saan ang ilan sa mga tweeps ay tumigil panandalian sa pagbabalita sa mga nagaganap na pag-aalsa, upang pagmasdan ang seremonya at pagtanggap, na gaganapin sa Buckingham Palace.

Mula sa UAE, ramdam ni Eman R H ang Royal Wedding Fever. Sabi niya:

#RoyalWedding fever. Sana nasa London ako ngayon.

Pahayag ni Kym Brotherton:

Ramdam ng Dubai ang #RoyalWedding fever!

At sa kalapit na Abu Dhabi, UAE, idinagdag ni Shaima Bent Saleh:

Isang kahangalan kung paanong ang mga negosyo sa UAE ay nakahahanap ng paraan para kumita sa #RoyalWedding sa pamamagitan ng pag-aalok ng “maharlikang” karanasan para sa hotel at pagkain. Naman!

Sa Abu Dhabi pa rin, kinumpirma ni Baderya Khalifa:

Nasasabik ang nanay ko sa kasal ni William. #Royalwedding .. :D

Nang makita ng Ehipsyo na si Wael Ghonim ang mga reaksyon tungkol sa pag-iisang dibdib, pinarating niya na tayo ay nasa taong 2011 na at wala na sa Gitnang Panahon. Sinabi niya sa Twitter:

Maaari bang may magsiguro sa akin na wala na tayo sa gitnang panahon? #royalwedding

Sa Ehipto pa rin, pabirong sinabi ni Mahmoud Reda Shahin (Ar):

لاول مرة اتاكد ان حتى فى الدول المتقدمة … الحكومات عايزة تلهى الشعب على طول #Royalwedding #tafaha
Sa unang pagkakataon sa buhay ko, nakumbinsi ako na kahit sa mga mayayamang bansa… gusto pa rin ng mga pamahalaan na maging abala ang kanilang mga tao.

habang si Omar Biltaji, mula sa Jordan ay nagsabing:

Lahat ay pinaguusapan ang #RoyalWedding ….. Ano'ng nangyayari, mga Tweeps? Anong mapapala natin sa kasal na ito bilang indibidual?

Hindi rin interesado ang Lebanese na si Mustafa, na nagba-blog sa Beirut Spring:

May pakialam ako sa Royal Wedding, katulad ng pakialam ko sa kriket (pahiwatig: wala)

Balik sa Ehipto, natigilan ako sa tweet ni Mohamed El Gohary. Saad nito:

Walis? RT @mand0z: HAHAHAHAHA: Pagdiriwang sa Hardin para sa Maharlikang Kasal sa BCA Maadi. Magsuot ng sumbrero at gwantes! http://bit.ly/ioSQ1N

May gaganapin nga ang Samahan ng mga Briton sa Cairo ng isang pagdiriwang sa hardin para sa maharlikang kasal bukas.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.