Pilipinas: Mga Sakuna ng Kalikasan, Iniugnay sa Pagmimina at Pagtotroso

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa'yo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban kung nakasaad.]

Habang bumabangon pa lamang ang mga kababayan natin mula sa kalunos-lunos na kalamidad ng Bagyong Sendong (international name: Washi), na nagdulot ng malawakang pagkasawi ng buhay at ari-arian, ilang probinsiya naman sa Pilipinas ang nakaranas ng pagbaha at pagguho ng lupa sa loob lamang ng tatlong linggo.

Ilang araw matapos kinitil ng Sendong ang buhay ng 1,257 katao noong Disyembre 2011 at winasak ang mga tirahan at kabuhayan ng libu-libo, binaha naman ang mga lalawigan ng Cebu, Davao, Bukidnon, Maguindanao, Compostela Valley, Negros, Leyte at Aklan sa Katimugang Pilipinas. Isang matinding pagguho ng lupa naman ang naganap noong Enero 2012 sa Pantukan, Mindanao, isang bayan na umaasa sa pagmimina, kung saan 31 ang namatay at daan-daan ang nawawala.

Habang dumagsa ang tulong na pinapaabot sa mga nasalanta ng pagbaha at landslide, sumagi naman sa isipan ng maraming Pilipinong netizen ang ilang katanungan. Bagamat sanay na ang bansa sa mga pagbaha at pagguho ng lupa, naging kataka-taka ang lawak ng mga kalamidad kamakailan: ano ang mga dahilan sa likod nito, at bakit ito nagiging mas madalas at mas mabagsik? Ano ang maaaring gawin upang maiwasan o mapaghandaan ito sa hinaharap?

Ayon kay Antonio J. Ledesma, SJ, Arsobispo ng bayan ng Cagayan de Oro, pagtotroso at pagmimina ay dalawa sa mga sanhi ng nasabing delubyo:

Last January 2009, the city had already experienced severe flooding. Some old-time residents recalled that this phenomenon happens every forty years. But barely three years after that, Typhoon Sendong came with greater vengeance.

Illegal logging and irresponsible mining activities have contributed to the degradation of the environment and the siltation of the river bed. The erection of man-made structures may have also impeded the natural flow of the waters.

Noong Enero 2009, nakaranas ang siyudad ng matinding pagbaha. Maraming matatanda ang nagsabing nangyayari lang ang ganitong klaseng pagbaha sa loob ng apatnapung taon. Subalit tatlong taon lang ang nakalipas, dumating ang mas malupit na delubyong hatid ng Bagyong Sendong.

Dinulot ng iligal na pagtotroso at iresponsableng pagmimina ang pagkasira ng kalikasan at ang pagkaipon ng malambot na lupa sa ilalim ng mga ilog. Nakaharang din siguro sa natural na daloy ng tubig ang ilang istrakturang gawa ng tao.

Mapa ng Lawak ng Pagbaha sa Siyudad ng Cagayan De Oro

Gumawa ang Ateneo Physics Laboratories ng isang mapa tungkol sa lawak ng pagbaha sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Sinisi naman ng blog na Dugo at Panulat [fil] ang pamahalaang Aquino, dahil hinayaan nito ang pagtotroso at pagmimina ng ilang malalaking kompanya sa ating bansa:

 

Pinahihintulutan ng gobyerno ang pagmimina at pagtrotroso ng mga naghaharing korporasyon at ng kapatid nitong gahamang dayuhan. Pinahihintulutan ng gobyerno na gahasain ng magkapatid ang ating likas na yaman kapalit ng konting kita at pamumuhunan ng mga ito.

Tinukoy naman ni Lisa Ito [fil] ang pagkasira sa mga natural na kagubatan upang makapagtanim ang mga malalaking korporasyon ng mga pangunahing produktong iniluluwas ng bansa:

Laganap din ang kumbersiyon ng kagubatan upang gawing plantasyon ng pinya, jatropha, saging, at iba pang export crops, ayon sa maka-kalikasang grupo na Panalipdan Mindanao. Ayon sa mga pag-aaral mula sa National Institute of Geological Sciences, ang CdO ay lalong nagiging bulnerable sa baha dahil sa kumbersyon ng 2,000 ektarya ng kagubatan sa Upper Pulangi Watershed upang gawing taniman ng pinya ng Del Monte Philippines—isa sa pinakamamaking exporter ng pinya sa buong mundo.

Hindi naman pinalampas ng mga maka-kalikasang grupo na banggitin ang isang geo-hazard na pag-aaral na ginawa ng Unibersidad ng PIlipinas, kung saan tinukoy ang mga kakulangan ng gobyerno sa nangyaring trahedya ng Sendong. Ilang kabataang aktibista ang bumatikos kay Pangulong Noynoy Aquino dahil hindi nito nilagdaan ang P5 bilyong badyet na nakalaan sa paghahanda sa mga sakuna, na maari sanang nagamit upang mabawasan ang dinulot ng pagbaha:

We reiterate that it is the Aquino regime which is a man-made disaster, turning the unavoidable reality of heavy rains into a tragedy: First, because Noynoy himself removed the funding for disaster preparedness in the 2011 national budget. Not a single centavo in the P5 billion ‘Calamity Fund’ went to preparing Northern Mindanao, or any other part of the country for that matter, for natural disasters. Second, because he continues to allow massive, ‘legal’ logging by mining, agricultural, timber, and real estate corporations.

Paulit-ulit naming sinasabi na isang sakuna ang rehimeng Aquino, dahil hinayaan nitong mangyari ang nakaambang na trahedya mula sa malalakas na pag-ulan: Una, dahil tinanggal mismo ni Noynoy ang pondo sa pambansang badyet ng 2011 na nakalaan sana sa paghahanda laban sa mga sakuna. Ni isang sentimo mula sa P5 bilyong ‘Calamity Fund’ ang nakarating sa Hilagang Mindanao, o kahit sa ibang rehiyon man sa bansa. Pangalawa, dahil patuloy niyang sinusuportahan ang maramihan at ‘legal’ na pagtotroso ng mga korporasyon.
Litrato mula MindaNews na nagpapakita ng mga trosong nanggaling sa mga lugar ng pagtotroso at umabot sa siyudad ng Iligan.

Litrato mula MindaNews na nagpapakita ng mga trosong nanggaling sa mga lugar ng pagtotroso at umabot sa siyudad ng Iligan.

Binasura naman ng Politika 2013 ang taktika ng mga publisista ng mga malalaking kompanya na ilayo at iligaw ang usapin mula sa pagmimina at pagtotroso:

Aside from sweepingly labeling all critics as leftists, the pro-mining and logging publicity offensive likewise attempts to confuse and dishes out lies:

“The Mines and Geosciences Bureau has confirmed that there are no large-scale mining operations in Cagayan de Oro and Iligan…,” CMP President Philip Romualdez said in a statement.

Of course, the mining operations are located in the very wide watersheds beyond the boundaries of both Cagayan de Oro and Iligan.

Meanwhile, Philippine Wood Producers Association (PWPA) deputy executive director Maila R. Vasquez denied the presence of commercial logging operations in northern Mindanao…

So where did the thousands of cut logs that destroyed houses and now littering the coastline and clogging the rivers come from?

Maliban sa pagtawag sa mga kritiko bilang maka-kaliwa, patong-patong ang ginagawang pagsisinungaling ng mga grupong sang-ayon sa pagmimina at pagtotroso upang guluhin ang utak ng mga tao:

“Kinumpirma ng Mines and Geosciences Bureau na walang nagaganap na malakihang operasyon ng pagmimina sa Cagayan de Oro at Iligan…,” ayon sa isang pahayag ni Phillip Romualdez, Pangulo ng CMP.

Siyempre, sadyang malayo sa teritoryo ng Cagayan de Oro at Iligan ang nagaganap na pagmimina, kung saan may malalawak na imbakan ng tubig.

Samantala, pinasinungalingan naman ng deputy executive director ng Philippine Wood Producers Association (PWPA) na si Maila R. Vasquez ang pagkakaroon ng komersyal na pagtotroso sa hilagang Mindanao…

Kung gayon, saan nanggaling ang libu-libong piraso ng kahoy na dinaganan ang mga kabahayan at nakakalat ngayon sa dalampasigan at nakabara sa mga ilog?

Inilista naman ni Dr. Giovanni Tapang ang 7 paraan upang maibsan ang panganib sa mga sakuna na maaaring sapitin ng bansa, at kasama na dito ang mga kaukulang paghahanda. Isa sa mga mungkahi niya ang gayahin ang paghahandang ginagawa ng bansang Cuba bago dumating ang mga bagyo.

Nanawagan ang ilang grupo sa pamahalaang Aquino na papanagutin ang mga may sala. Litrato mula kay: Karlos Manlupig

Nanawagan ang ilang grupo sa pamahalaang Aquino na papanagutin ang mga may sala. Litrato mula kay: Karlos Manlupig

Iminungkahi naman ng Dekanong si Tony La Viña ang 10 hakbang matapos mangyari ang Sendong. Ayon sa kanya, dapat iwasan ang sisihan at turuan, subalit dapat ring managot ang mga responsable sa nangyari:

 

Although this is certainly not the time for blame games, accountability must be exacted. In other countries, notably in Japan, officials take themselves out of the equation by resigning and taking responsibility. Unfortunately, we do not have that tradition here. And so I welcome the task forces created by the President to investigate what happened, although I would have preferred an independent commission to do this job to have more objective findings. Nevertheless when they finish, I hope they will file the appropriate criminal, civil and administrative cases against accountable officials. I would especially want charged those officials who abetted the activities that exacerbated the disaster, or those which had the information and the power to prevent it (but negligently did not do so).

Hindi man ito ang panahon para sa magsisihan, dapat matukoy ang mga pananagutan. Sa ibang bansa, gaya ng bansang Hapon, naging bukal sa loob ng mga opisyales na pasanin ang responsibilidad at magbitiw sa tungkulin. Sa kasamaang palad, wala tayong ganoong tradisyon. Pinapaubaya ko na sa mga itinalaga ng Pangulo upang mag-imbestiga sa nangyari, bagamat mas obhektibo sana kung isang hiwalay na komisyon ang gumagawa ng imbestigasyon. Gayunpaman, anuman ang kanilang mahanap, hinihiling ko na magsampa sila agad ng kaukulang kasong kriminal, sibil at administratibo sa mga opisyales na nagpabaya. Nais kong makitang maisuplong ang mga opisyales na nagbigay pahintulot sa mga aktibidad kaya't lalong lumala ang naging pinsala, o di kaya ‘yung mga taong may impormasyon at kapangyarihan upang maiwasan ang sakuna (subalit pinili na pabayaan ito).

1 Komento

Join the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.