See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Mehiko: Handa nang Kalabanin ang Pransiya

Kasalukuyang naglalaro sa Pangkat A ang koponan ng Mehiko laban sa Urugway, Pransiya at Timog Aprika para sa 2010 FIFA World Cup. Sa unang laro, kinalaban ng Mehiko ang kasalukuyang host ng palaro, ang Timog Aprika. Kahit na natapos ang laro sa 1-1, nag-iwan ito ng magandang impresyon at sinag ng pag-asa para sa mga tagahanga ng koponan ng Mehiko. Sa Huwebes, Hulyo 17, kakalabanin ng Pransiya ang Mehiko. Ginagamit ng mga Mehikano ang Twitter para ipahayag ang kanilang mga inaasahan sa susunod na laro. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng kung ano ang iniisip ng mga Mehikano, lalung-lalo na ang kabataan, sa maaaring mangyari:

@NetLeon @jakchiva si #mex Mexico le gana a #fra France no twitteo una semana aunque me muera en el proceso.

@NetLeon @jakchiva kung tatalunin ng #mex Mehiko ang #fra Pransiya, titigil ako sa paggamit ng Twitter sa loob ng isang linggo, kahit na mamatay pa ako habang ginagawa ko ito.

Ang iba naman ay nagbibigay ng mga nakakatawang komento, gaya ni @ManzanitaGrunge, habang tinutukoy niya ang aktress sa sine at telebisyon na si Carmen Salinas.

@ManzanitaGrunge si #mex Mexico le gana a #fra France , me chuto todas las películas de Carmelita Salinas que existan. #Hedicho

@ManzanitaGrunge kung tatalunin ng #mex Mehiko ang #fra Pransiya, panonoorin ko ang bawat isang pelikula kung saan naroroon si Carmelita Salinas.

@torrewhite A dos días del juego!!! Ya quiero ver el #mex Mexico contra #fra France

@torrewhite Dalawang araw na lang bago ang laban!!! Gusto ko talagang makita na labanan ng #mex Mehico ang #fra Pransiya

Mayroon ding mga biro, gaya ng kay @Ruta2010:

@Ruta2010 que hace un mexicano cuando México #mex Mexico gana la copa del mundo? R: apaga el playstation jajajaja

@Ruta2010 Ano ang gagawin ng isang #mex Mehikano kapag nanalo sila sa World Cup? Sagot: Patayin ang playstation hahaha

At sa katapusan, narito ang ilang salita galing sa mga mismong manlalaro ng putbol ng Mehiko:

@mexicoworldcup Carlos Vela: “Wala tayong ibang pagpipilian: makapatay tayo o mapatay tayo.” Guardado: Maglalaro ang Mehiko “hanggang kamatayan”. Karumal-dumal. #WorldCup Ano ang nangyayari? bit.ly/aH2taj

Ilan sa mga tweets ay nakatutuwa at ilan ay maasahin. Bukas, kapag natapos ang laban, ipapakita ng mga Mehikano sa Twitter kung ano ang saloobin ng kanilang bansa sa kalalabasan ng isang mahirap ngunit nakasasabik na laban.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.