Tinalakay ni Tim Maddog sa Taiwan Matters ang paggamit ng mga tao sa Taiwan sa salitang “mainland” upang tukuyin ang Tsina. Iginiit niya na ito ay bahagi ng mga turo ng Partido Nasyonalista ng Tsina (KMT). Isinalinwika niya ang isang artikulo na nagtatalakay ng kung paano na ang gamit ng nasabing salita ay nakakaapekto sa kakayahan ng taong liwanagin ang sariling pagkakakilanlan bilang isang bansa.