Mga kwento tungkol sa South Africa
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika
Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.
Malawi: Mga Reaksyon Online sa Pagkamatay ni Mutharika
Sinubaybayan ni Victor Kaonga ang naging reaksyon online matapos ibalita ang pagkamatay ni Bingu wa Mutharika. Si Mutharika ang naging ikatlong pangulo ng Malawi. Namatay siya matapos atakihin sa puso noong umaga ng Huwebes, ika-5 ng Abril. Ito ang unang pagkakataong magluluksa ang Malawi sa pagkamatay ng kasalukuyang pangulo nito.
Bidyo: Patimpalak na Firefox Flicks sa Paggawa ng Bidyo
Ang pandaigdigang patimpalak na Firefox Flicks ay magbibigay gantimpala sa mga maiikling pelikulang magtuturo sa mga gumagamit ng web browser tungkol sa isyu gaya ng privacy, choice, interoperability, at oportunidad, at kung papaano ito tinutugan ng tatak Firefox.
Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa
Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ipinagtanggol sila ng Ministro sa Ugnayang Panlabas ng Olanda sa Twitter.
Panoorin ang World Cup sa Pandaigdigang Tinig: May Live Chat Para sa Urugway vs. Pransiya
Ang World Cup ng putbol, ang hindi kataka-takang isa sa pinaka-pandaigdigang pampalakasan, ay ginanap sa kauna-unahang pagkakataon sa kontinente ng Aprika. Samahan ninyo kami sa panonood at pagtatalakay sa kaganapang ito sa pangalawang laro sa Araw ng Pagbubukas.