Mga kwento noong 20 Hunyo 2010
Timog Korea: Tensyon Namanhid dahil sa World Cup
Ang tensyon sa pagitan ng dalawang Korea, na mas tumitindi pa mula ng diumano'y palubugin ng isang torpedo ng Hilagang Korea ang bapor pandigma ng Timog Korea, ay panandaliang naibsan dahil sa matinding emosyon na tanging ang World Cup lamang ang makapagdadala. Laganap ngayon sa mga blogs ng mga taga-Timog Korea ang kanilang taos-pusong komento tungkol sa laban ng Hilagang Korea sa Brazil. Panandaliang isinantabi ng mga blogger ang pulitika at pinapurihan ang pangunahing manlalaro ng koponan ng Hilagang Korea na si Jong Tae Se.
Olanda: Dalawang Babae Arestado sa World Cup sa Pagtataguyod ng Maling Serbesa
Dalawang babaeng Olandes na nagtatrabaho para sa kumpanya ng serbesa na Bavaria ang nadakip dahil sa pagtataguyod ng serbesa na hindi opisyal na isponsor sa World Cup habang ginaganap ang tunggaliang Olandes at Dinamarka sa Timog Aprika noong Lunes. Ipinagtanggol sila ng Ministro sa Ugnayang Panlabas ng Olanda sa Twitter.