Ginawang intranet ang internet ng bansang Tsina noong ika-12 ng Abril. Hindi makapasok sa World Wide Web ang mga taga-Tsina na gumagamit ng internet at pinutol ang koneksyon sa lahat ng social networking site at serbisyong email na nakabase sa ibayong dagat. Tingin ng mga netizen patikim pa lang ito sa binabalak na web censor na tinatawag na “Kill Switch”.
Ayon sa isang lokal na ulat [zh], nagkaroon ng problema bandang 10:40 ng umaga hanggang 12:20 ng tanghali, kung kailan hindi makapasok ang mga gumagamit sa mga sikat na website tulad ng MSN, Gmail at App Store. Kasabay nito, hindi naman makapasok sa mga website na nakabase sa Tsina ang mga taga-ibang bansa. Unang inakala ng mga netizen na nagkaroon ng pagkasira sa imprastraktura ng kompanyang China Telecom dahil sa lindol kamakailan sa Timog-Silangang Asya. Ngunit pinabulaanan naman ito ng China Telecom [en] at China Unicom [en]. Kaya hinuha ng isang eksperto, ito ay isang isyung pang-software.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa pamahalaan ang Tsina tungkol dito. Naniniwala naman si C. Custer mula Techasia na ito ang tunay na nangyari:
was a test of a new government “kill switch” that would allow it to quickly block access to all foreign websites and disrupt the use of VPNs that previously made it possible to circumvent China’s internet censorship system. The fact that some small VPN providers weren’t blocked and continued to operate as usual seems to indicate that bigger VPNs were probably targeted intentionally, since a real infrastructure disconnect between China and the rest of the world would block all VPN traffic, not just traffic from more well-known VPN services.
In light of the recent upheaval in China’s leadership and the upcoming Party congress that will decide who leads the country for the next generation, it makes some sense that the government might be interested in an emergency off button in case something gets out of hand.
Dahil na rin sa pagbabago kamakailan sa pamunuan ng Tsina at sa napipintong pagpupulong ng Partido kung saan pipiliin ang mga hahaliling pinuno ng bansa sa susunod na henerasyon, hindi malayong isipin na may interes ang gobyerno sa isang emergency off button sa oras na magipit ito.
Sa website na Sina Weibo, tinalakay ang nasabing balita at marami ang sumasang-ayon sa teoryang sinubukan nga ng gobyerno ang “kill switch” [zh]:
@破破的桥:怀疑是在测试和升级盾。其实已经测试一个多月了,其它地方我不知道,但海外有些ip段(包括我所在的comcast network)访问中国频繁断网,这肯定不是硬件问题了。
BlueskyTang: 全国营运商网络都处于可监控、可管理中,通断随领导层意愿可任意实现
Feelyoo: 向伊朗学习。。。
文森王:未出现故障,只是在进行中国局域网测试
(Litratong thumbnail mula sa Setyoufreenews [en].)