Patuloy ang pagsupil ng instrumentong pampropaganda ng Tsina laban sa mga “tsismis” na kumakalat sa mga social media. Subalit marami ang naniniwala na, sa bandang huli, magwawagi pa rin ang mga mamamayan sa digmaang ito na nagaganap online.
Noong ika-16 ng Abril nilathala ng People's Daily ang isang artikulo na nagsasabing “nakakapinsala sa mga mamamayan at sa ating lipunan ang mga tsismis mula sa Internet. Hindi dapat naniniwala sa tsismis ang publiko o nagkakalat nito.” Bilang patunay dito, iniisa-isa ng nasabing pahayagan ang mga masasamang tsismis na kanilang nasagap (salin ni DANWEI mula sa wikang Intsik [en]):
1. A text message that read: “Family, classmates, friends, don’t eat tangerine oranges! This year the tangerines from Guangyuan (Sichuan Province), have maggots under their peal. Sichuan buried a large batch and sprinkled them with lime.” This SMS was forwarded from phone to phone, and reported by news sources. It led to a massive drop in the price of tangerines across the country, and a loss of RMB 1.5 billion for the agriculture industry.
2. Rumors that an earthquake was going to happen in Shanxi, also started by an SMS message. The article lists a number of people involved in spreading the message, many of whom were detained for 10 days and fined 500 yuan.
3. Rumors about an explosion at a chemical plant in Xiangshui (Jiangsu province). This caused panic and 4 people were killed in a car accident trying to escape.
4. A website posted that some unscrupulous businessmen were mixing leather waste, animal hair and other substances with their milk powder in order to raise the protein level.
5. On March 11, 2011, an earthquake on the east coast of Japan, near the nuclear power plant in Fukushima, spurred a rumor on QQ that Chinese people would be exposed to radiation. This caused a run on the salt market as people believed iodized salt could prevent or treat health problems caused by exposure to radioactive materials. The price of salt shot up. The person charged with starting the rumor was detained for 10 days and fined 500 yuan.
6. Someone impersonated the State Administration of Taxation to announce a revision of several provisions related to personal income-tax.
7. Students at Chongqing Jiaotong University College of Civil Engineering and Architecture spread a rumor about acupuncture needles being too hot.
8. Rumors that the HIV virus could be transmitted through food. The rumor spread via SMS and QQ. People who played critical roles in disseminating the message have been identified.
9. On February 21, 2012, microblog user “Mirador Ma Ma” wrote that a new mutated version of the SARS virus has emerged. The blog spread quickly, and caused mass panic. According to the law, the people responsible for disseminating this rumor were sentenced to two years of education through labor.
10. The ‘military vehicles arrived in Beijing’ rumor that spread in March 2012: According to the law, 6 people have been detained for fabricating and maliciously spreading these rumors.
2. Nagsimula sa isang SMS ang tsismis na may lindol na magaganap sa Shanxi. Inilista ng artikulo ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng tsismis, at karamihan sa kanila ay ikinulong sa loob ng 10 araw at pinagmulta ng 500 yuan.
3. May mga tsismis tungkol sa pagsabog ng isang pabrika ng kemikal sa Xiangshui (Lalawigan ng Jiangsu). May ilang nataranta at may 4 na katao ang namatay sa isang naaksidenteng kotse sa kagustuhang makatakas.
4. Ayon naman sa isang website, may ilang garapal na negosyante na inihahalo ang tira-tirang balat na leather, mga buhok ng hayop at iba pang bagay upang tumaas ang nilalamang protina sa inuming gatas na ginagawang powder.
5. Noong Marso 11, 2011 nangyari ang lindol sa silangang baybayin ng bansang Hapon malapit sa planta ng enerhiyang nuklear sa bayan ng Fukushima. Kasunod nito, kumalat ang tsismis sa QQ (programa sa kompyuter na sikat sa Tsina) na aabot sa bansa ang epekto ng radiation. Kagyat na namili ang mga tao ng maraming asin sa paniniwalang makakaiwas sa epekto ng radiation o makakapagpagaling ng sakit ang iodized salt. Agad na umakyat ang presyo ng asin. Kinasuhan ang tao na pinaniniwalaang pasimuno ng tsismis, ikinulong ng 10 araw at pinagmulta ng 500 yuan.
6. May isang taong nagpanggap bilang taga-Pangasiwaan ng Estado sa Buwis at inanunsyo ang ilang pagbabago sa mga batas tungkol sa income tax na binabayaran ng mga indibidwal.
7. Ayon sa tsismis na kumakalat sa Unibersidad ng Chongqing Jiaotong, Kolehiyo ng Inhinyeriyang Sibil at Arkitektura, masyadong mainit ang mga karayom sa acupuncture.
8. Nai-tsismis din na maaaring makuha ang HIV virus sa pagkain. Kumalat ang tsismis sa SMS at sa QQ. Natukoy na ang mga taong pasimuno ng tsismis na ito.
9. Isinulat ni “Mirador Ma Ma” sa kanyang microblog noong Pebrero 21, 2012 na may bagong mutation ang SARS virus. Agad na kumalat ang naturang blog, at nagdulot ng matinding takot. Ayon sa batas, ang mga taong responsable sa pagpapakalat ng tsismis ay papatawan ng parusang dalawang taon ng pagtatrabaho.
10. Kumalat noong Marso 2012 ang tsismis na ‘dumating ang mga sasakyang militar sa Beijing': may 6 na katao ang binilanggo dahil sa paggawa at pagpapakalat ng maling tsismis.
Napakahigpit ng ginagawang pagpapatrolya ng mga tsismis online, kaya karamihan ng mga micro-blog mula Sina Weibo na nakalap ng may-akda ng artikulong ito ay binura ng pamahalaan. Narito ang larawan ng koleksyon ng may-akda ng mga blog bago sila nabura:
Mukha may kakaibang pagkahilig ang orihinal na awtor ng akdang ito sa mga kumakalat na “tsismis” online, kahit pa hindi kasing kontrobersyal ang mga iyon sa mga eskandalo patungkol kay Bo Xilai [en]. Kung tutuusin, ang mga naburang artikulo ay tungkol lamang sa pagkamatay ng mga finless porpoise [en] sa Lawa ng Dongting at ang pagtalakay sa kontrobersya ng mga nakakalasong gell caps [en]. Buti nalang, ayon sa awtor, madali lang bawiin ang mga ito mula sa Weibo o sa pamamagitan ng backup sa Twitter.
Marahil ito rin ang dahilan kung bakit patuloy na naniniwala ang mga aktibistang gaya ni Ai Weiwei [en] na, sa bandang huli, magwawagi pa rin ang mga mamamayan sa labanang ito na nagaganap sa internet:
China may seem quite successful in its controls, but it has only raised the water level. It's like building a dam: it thinks there is more water so it will build it higher. But every drop of water is still in there. It doesn't understand how to let the pressure out. It builds up a way to maintain control and push the problem to the next generation.
It still hasn't come to the moment that it will collapse. That makes a lot of other states admire its technology and methods. But in the long run, its leaders must understand it's not possible for them to control the internet unless they shut it off – and they can't live with the consequences of that. The internet is uncontrollable. And if the internet is uncontrollable, freedom will win. It's as simple as that.
Hindi pa dumarating ang puntong babagsak ng tuluyan ang pader. Kaya maraming bansa pa rin ang humahanga sa teknolohiya at pamamaraan nito. Ngunit hindi magtatagal, maiintindihan din ng mga pinuno nito na imposibleng mapigilan ang internet, maliban na lamang kung tuluyan nila itong papatayin – at hindi nila kakayanin ang magiging resulta kapag ginawa nila ang hakbang na iyon. Hindi nakokontrol ang internet. At kung hindi ito napipigilan, mamamayani ang kalayaan. Gano'n lang kasimple.