Mga kwento tungkol sa GV Advocacy noong Abril, 2012
Tsina: Pagpigil at pagbura sa mga kumakalat na “tsismis”
Patuloy ang pagsupil ng bansang Tsina ayon sa kanilang propaganda laban sa mga kumakalat na "tsismis" sa social media. Subalit marami ang naniniwalang magwawagi pa rin sa online na digmaang ito ang mga ordinaryong mamamayan sa bandang huli. Sa kabilang banda, nilathala ng peryodikong People's Daily ang artikulo tungkol sa "pinsala sa mga mamamayan at lipunan na dinudulot ng mga tsismis na nanggaling sa Internet. Hindi dapat pinapaniwalaan o kinakalat ng publiko ang mga ganitong tsismis."
Tsina: Sinubukan ang “Kill Switch” ng World Wide Web?
Naging intranet ang internet ng Tsina sa loob ng 2 oras noong ika-12 ng Abril. Hindi mapasok ng mga taga-Tsina ang World Wide Web at pinutol ang koneksyon sa lahat ng mga social networking site at email na galing sa ibang bansa. Naniniwala ang mga netizen na hudyat ito ng ipapatupad na web censor na "Kill Switch".
Tutoryal mula Occupy Wall Street: “Paano Kunan ng Bidyo ang Isang Himagsikan”
Araw ng Linggo noong ika-11 ng Disyembre 2011 nang inilimbag ng New York Times ang isang masusing ulat na naglalarawan sa papel na ginagampanan ng teknolohiyang livestream sa kilusang Occupy Wall Street. Kinabukasan, labimpitong mamamahayag ang inaresto, kabilang na ang mga miyembro ng pangkat ng Global Revolution livestream.