Mga Bansang Arabo: Mga Salafist, Naging Tampulan ng Biro

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Kilala sa kanilang mahahabang balbas at mahahabang saplot (thobe), naging tampulan ng mga katagang pabiro sa Twitter hashtag na #SalafiAwkwardMoments ang mga Salafists, isang sekta ng Islam na naninindigan sa mahigpit na pagpapatupad sa kaugaliang Muslim.

Matapos mapatalsik sa puwesto sina Zine El Abidine Ben Ali ng bansang Tunisia at Hosni Mubarak ng bansang Egypt, pati na ang pagtugis kay Muammar Al Gaddafi ng Libya, lalong nakilala ng publiko ang kilusang Salafiyyah. Sa Egypt, isang lider ng mga Salafi na si Hazem Abu Ismail ang sumubok kamakailan na tumakbo sa pagkapangulo – ngunit naudlot ito dahil pinawalang-bisa ang kanyang nominasyon nang malamang isang US citizen pala ang kanyang ina. Sa Libya at Tunisia naman, sinugod ng mga Salafi ang mga embahada ng Estados Unidos matapos ipalabas ang trailer ng kontrobersyal na pelikula na insulto ‘di-umano sa Islam at kay Propetang Muhammed.

Habang pinagdedebatihan muna sa ngayon ng mga bansa sa Kanluran kung papaano pakikitunguhan ang mga Salafi, hindi naman nagpaawat ang mga netizen sa kanilang mga biro sa Twitter.

Maraming baon si ThatSalafi. Narito ang kanyang tweet:

@ThatSalafi: When you find out that your new boss is a female #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: Nang malamang babae ang bago mong boss #SalafiAwkwardMoments

Pagpapahayag ng suporta para sa pagkandidato ni Hazem Abu Ismail sa pagkapangulo ng Egypt

Pagpapahayag ng suporta para sa pagkandidato ni Hazem Abu Ismail sa pagkapangulo ng Egypt. Kuha mula sa Liwasan ng Tahrir sa Cairo noong Abril 6, 2012. Litratong kuha ni Jonathan Rashad sa Flickr (CC BY-NC-SA 2.0)

@ThatSalafi: When your thobe is the longest one in the group #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: Kung ang suot mong damit ang pinakamahaba sa grupo #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: When your son asks you to teach him how to shave #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: Kung nagpapaturo ang anak mo kung papaano mag-ahit #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: Just saw an Orthodox Jew with a bigger beard than mine #SalafiAwkwardMoments

@ThatSalafi: Nang makita kong mas mahaba ang balbas ng isang Orthodox Jew kaysa sa akin #SalafiAwkwardMoments

Ito naman ang kay Aly Galal:

@alycature: When you can't have some soup without soaking your beard into the dish. #SalafiAwkwardMoments

@alycature: Kapag hindi mo mainom ang sabaw nang hindi nilulublob sa pinggan ang balbas. #SalafiAwkwardMoments

Dagdag naman ni Egyptian SuperWoman:

@Super_Egypt: When a Salafiya gives you the You're-not-Salafi-enough-for-me look and tells you to choose martyrdom #SalafiAwkwardMoments

@Super_Egypt: Kapag ang tingin ng kapwa Salafiya sa iyo ay parang Hindi-ka-naman-talaga-mukhang-isang-Salafi at sinabihan kang piliin nalang ang pagiging martir

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.