Sa bayan ng Maputo, Mozambique, mapapanood si Ruben Mutekane na kumakanta at tumutugtog ng Ndjerendje, isang instrumentong kanyang inimbento. Mapapanood dito ang maikling bidyong kuha ni Miguel Mangueze (@FotoMangueze).
Sinasalamin ng mga awit ni Mutekane, sa wikang xichangana, ang hindi-pagkakapantay-pantay ng mga magkaibang antas sa lipunan sa bansang Mozambique. Isinalin ni Francisco Chuquela (@chuquela) ang ilan sa mga kataga ng kanyang awitin:
“malayang namumuhay ang mga mayayaman at tayo ang nagdurusa, kahit pumatay sila hindi sila dinadakip dahil nagbibigay sila ng pera.”
[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Portuges.]