Mali: Ang Ilog Niger sa Mga Larawan

Nilakbay ni Boukary Konaté [fr], miyembro ng samahang Global Voices sa bansang Mali, ang mga paaralang rural lulan ang isang tradisyonal na bangkang Malian, bilang bahagi ng isang proyektong literasiya patungkol sa internet [en]. Nagbigay naman ito ng oportunidad sa kanya na malibot ang sariling bansa at ipakita sa ibang tao ang samu't saring aspeto ng 2,600-milyang haba ng Ilog Niger.

Ang Ilog Niger [en] ang ikatlong pinakamahaba sa Aprika, kasunod ng Ilog Nile at Ilog Congo. Ang bukal ng ilog ay matatagpuan sa parte ng Guinea Highlands sa timog-silangang Guinea. Hugis buwan ang kahabaan nito na bumabagtas sa mga bansang Mali, Niger at Nigeria, at dumudugtong sa Niger Delta bago makarating sa Karagatang Atlantiko.

Narito ang ilang pasilip sa Ilog Niger mula sa mga litratong kuha ni Boukary Konaté at ng kanyang grupo, na nagbigay permiso sa paglalathala dito. Matatagpuan sa album na Segou Connection [en] mula sa Flickr account ni Briconcella ang maraming pang mga larawan.

Tanawin ng Ilog Niger mula sa tabing-ilog sa Sekoro, Mali
Isang tradisyonal na bangkang Malian sa ilog Niger habang papunta ito sa pamilihan
Ouro Mody, isang nayon sa may tabing-ilog ng Niger: tradisyonal na arkitekturang Fula
Ang moske sa Djafarabe, sa teritoryo ng Fula
Tangan ng mga kababaihan ang tubig mula sa ilog na siyang pandilig sa mga palayan
Laruang hawak ng isang anak ng mangingisda
Ang pamumuhay sa loob ng isang bangka ng UNESCO
Kasapi ng grupo, suot ang tradisyonal na putong sa ulo
Paglalayag ng isang Pirogue (na gawa sa troso), kasabay ng paglubog ng araw sa Ilog Niger

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.