See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Puerto Rico: Ang Buhay, Isang Litrato Bawat Araw

Laman ng koleksyon ni Jose Marti (@Jose_Marti) [es] ang isang litrato ng bawat araw sa nakalipas na dalawang taon bilang bahagi ng kanyang proyekto sa internet na “Fotos de Hoy” (Mga Litrato sa Araw na Ito) [es].

Ito ang kanyang paliwanag:

Dentro de los temas que publico en su mayoría son fotos casuales donde la foto me encuentra a mí en vez de yo buscarla y bien pueden ser fotos de la ciudad, de mi casa o donde quiera que me encuentre por que en realidad lo importante es expresar algo sobre el momento, donde estoy, que estoy haciendo, etc. Ese es el elemento que me ha llevado ha constantemente publicar en Fotos de Hoy, el poder visualmente resumir semanas y diversas experiencias en un compilado accesible por internet.

Karamihan sa kanila ay mga larawang kaswal, na tila ang litrato mismo ang lumalapit sa akin sa halip na ako ang naghahanap ng litrato, iyon man ay larawan ng siyudad, ng aking tahanan, o ng kahit saanman ako mapadpad dahil ang mahalaga dito ay maipahayag ko ang sandaling iyon, kung nasaan ako, kung anuman ang ginagawa, atbp.. Iyon ang nagtulak sa akin na ipagpatuloy ang paglathala ng “Fotos de Hoy”, upang mapagsama-sama ang mga linggo at mga samu't saring karanasan na madaling mahahanap sa internet.

Pinili ko ang ilan sa kanyang mga litrato ng Lumang San Juan, ang kolonyal na parte ng San Juan, kabisera ng Puerto Rico (lahat ng mga larawan dito ay may pahintulot sa paglalathala). Maaari mo ring sundan ang kanyang pang-araw-araw na buhay sa blog na Fotos de Hoy [es].

Tanawin ng siyudad.

 

Simbahan ng San José.

Ang bintana.

Dagat ng El Escambrón.

Fort El Morro.

Bar El Batey.

Kalye Luna.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.