Mga kwento tungkol sa Photography

Puerto Rico: 365 Na Mga Litrato

Pawang sa mga kaibigan lang ibinahagi ni José Rodrigo Madera ang mga litrato sa Facebook, bilang bahagi ng kanyang proyektong "365", hanggang sa mapansin ito ng magasing Revista Cruce at inilathala ang 20 sa mga ito. Narito ang piling larawan mula sa koleksyon ng kanyang magagandang litrato.

23 Hulyo 2012

Myanmar: Netizens Ipagdiwang ang Kaarawan Ni Aung San Suu Kyi

Gamit ang internet, ipinadala ng mga netizen ng Myanmar ang kanilang pagbati sa kaarawan ni Aung San Suu Kyi, ang lider ng oposisyon, na kasalukuyang bumisita sa Europa sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang dekada. Ipinagtaka ng mga netizen kung bakit hindi ibinalita ng midya na kontrolado ng gobyerno ang talumpati ni Suu Kyi sa kanyang Nobel Peace Prize lecture doon.

11 Hulyo 2012

Mga Litrato ng Afghanistan na Hindi Mo Pa Nakikita

Madalas, matinding takot ang ating nararamdaman kapag naririnig o napapanood ang Afghanistan sa mga pambalitaang midya. Sa ganitong perspektibo, nabuo ang larawan ng Afghanistan bilang isang bansang nasasadlak sa karahasan at giyera. Ilang litratista ang nagsisikap mabago ang ganitong pananaw at maipalaganap ang payak na kagandahan ng bansa sa gitna ng digmaan.

4 Hulyo 2012

Bidyo: Mga Surfer, Mangingisda, at Radiation sa Bansang Hapon Matapos ang Lindol

Isinasapelikula ni Lisa Katayama, isang mamahayag, at ni Jason Wishnow, isang direktor, ang pamumuhay ng mga taong patuloy na nakikipagsapalaran sa epekto ng radiation pagkatapos ng matinding lindol na yumanig sa bansang Hapon. Sa proyektong We Are All Radioactive ["Lahat Tayo ay Radioactive"], 50% ng bidyo ay kinunan sa mga kalapit-lugar ng Fukushima Power Plant, at 50% naman ay gawa ng mga nakatira doon gamit ang mga waterproof digital cameras.

1 Abril 2012