[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban nalang kung may nakasaad.]
Noong ika-19 ng Mayo, 2012, libu-libong Red Shirts ang gumunita sa pangalawang anibersaryo ng kaguluhan sa pagitan ng mga demonstrador at mga pulis at sundalo sa Bangkok, Thailand. Noong Mayo 2010 humantong ang karahasan sa pagkasawi ng higit 90 katao. Karamihan sa mga Red Shirt ay sumusuporta sa dating Punong Ministro Thaksin Shinawatra na pinatalsik ng isang kudeta noong 2006.
Dahil sa marahas na pangyayaring iyon, bumaba ang popularidad ng gobyerno noong 2010 na pinamumunuan noon ni Abhisit Vejjajiva. Natalo ang partido ni Abhisit sa halalan noong isang taon. Ang kasalukuyang Punong Ministro ng Thailand ay ang nakababatang kapatid na babae ni Thaksin.
Makikita sa Facebook at Flickr ang mga litrato ng ginawang paggunita noong Mayo 19. Narito ang ilang mga litrato:
Mapapanood sa YouTube ang isang maikling bidyo [th] ng talumpati ni Robert Amsterdam sa ginanap na programa. Si Amsterdam ay abogado ni Thaksin. Naging kritikal naman ang pananaw ng ilang netizen tungkol sa kilusang Red Shirt:
@Rom Senakant: sad group of people… They thought they are fighting for just cause but actually they are the being used by a crony ex PM Thaksin or Thug-Sin
@ric_lawes: Reds calling for Justice http://bit.ly/Jv8Ien – simple fact – reds lay siege to the city and 91 people died. No reds no deaths.
@Agam_T: Today, I'm celebrating 2nd anniversary of the END of #RedShirts arson and violence. May19th was the day we got our city back.
Sa pananaw naman ng ilang mamamayan, ang panawagan ni Thaksin ng pagkakaisa ay isang pagtatraydor sa mga Red Shirt na iginigiit pa rin na mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kanilang kasamahan noong 2010:
@freakingcat: Are the Red shirts in Ratchprasong so brainwashed and cheered to Thaksin's betrayal speech. 93 died for the greed of the billionaire
@steviegell: Both Thaksin & his sister turned their backs on the red movement. Robert Amsterdam is trying to hide that fact from the reds. Bad form.
Dumalo naman si Tammy sa kilos-protesta at pinuna ang kawalang-pagbabago sa pulitika ng Thailand:
I just got back from the 2 year anniversary of the crack-down on the Red Shirts protest at Rajprasong, that 2 years ago caused bout 100 civilian death
The new constitution is poised to disappoint those who are looking for democracy, the lese majeste law, the root cause, of many injustices in Thailand, will likely be the same. The death and imprisonment of political prisoners, looks like it will be un-accounted for and not re-solved.
Hindi ikakatuwa ng mga naghahangad ng demokrasya ang bagong konstitusyon; walang nagbago sa mga batas ng kaharian, ang pangunahing dahilan ng maraming kawalang-hustisya sa Thailand. Mukha wala pa ring mananagot sa pagkamatay at pagkakakulong ng mga bilanggong pulitikal.
Samantala, ayon sa isang opisyal na imbestigasyon ng gobyerno, responsable ang mga pulis at sundalo sa pagkamatay ng 25 katao sa pangyayari noong 2010.