[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Bawat araw ng Martes, isang grupo ng mga litratistang may kapansanan sa mata ang nagtitipon-tipon sa Manhattan, New York. Ilan sa mga kasapi ng nasabing grupo ay malapit nang mabulag, samantalang ang iba naman ay nawalan ng paningin noong bata pa, o ‘di kaya'y buhat nang sila ay ipinanganak. Ang tawag sa kanila ay SWCP o ang Seeing with Photography Collective.
Sa librong pinamagatang Shooting Blind, ipinaliwanag ni Mark Andres, ang nagtatag ng grupo at ang namumuno dito, ang iba't ibang papel na kanyang ginagampanan para sa organisasyon. Minsan na siyang naging tagapaglapat ng musika sa piyesa, naging gabay, tagapagturo, katrabaho, at litratista ng naturang pangkat. Ang pagtutulungan ng mga miyembro at mga boluntaryo ang siyang naging malaking puhunan ng grupo, kung saan ang pangunahing kasangkapan ay ang pagpinta gamit ang iba't ibang ilaw.
Narito ang ilang kahanga-hangang larawang kuha ng mga kasapi ng SWPC (lahat ng mga ito ay may permiso sa paglalathala dito), at isang bidyo mula kay Steven Erra, isa sa mga miyembro ng pangkat. Ipinapamalas sa mga imaheng ito ang mga kinahihiligang materyal ng mga litratista. Sana ay matuwa kayo!
Narito naman ang bidyo tungkol sa pangkat ng Seeing with Photography Collective na gawa ni Steven Erra:
Itinanghal ang naturang eksibit noong Hunyo sa lungsod ng New York sa Long Island Center of Photography sa Afroamerican Museum, na matatagpuan sa 110 Kalye Franklin, Hempstead, Long Island. Inaanyayahan din kayo ng SWPC na bisitahin ang kanilang pahina sa Flickr. Labis na ikatutuwa ng grupo na malaman ang inyong mga reaksyon at mga saloobin sa mga litrato.
Light is essentially indifferent
just until it is in a lens or in a cold camera
becomes meaningful
- Steven Erra
Sadyang hindi napapansin ang liwanag
hanggang sa ito'y tumagos sa lente o kamera
at nagkakaroon ito ng kahulugan
- Steven Erra
2 Mga Komento
wow….am a daughter of a photographer but being able to take this beautifully by a blind person is really amazing… :D
true! i too was amazed by their output and unique technique; made me want to write about it.