[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]
Nagdulot ng malawakang pagbaha ang matinding buhos ng ulan sa maraming bahagi ng Kalakhang Maynila at mga karatig probinsiya sa Luzon. Ang Kalakhang Maynila, ang pangunahing sentro ng kalakalan sa bansa, ay binubuo ng 17 lungsod at munisipyo. Sinuspinde na ng pamahalaan ang pasok sa lahat ng mga paaralan at opisina sa pampubliko at pribadong sektor.
Makikita sa mga larawan sa ibaba, na nagmula sa Facebook at Twitter, ang lawak ng pagbaha sa kabisera, at maaari pang lumalala ang kalagayan doon dahil sa walang puknat na pagbuhos ng ulan habang sinusulat ang artikulong ito.

Malakas na pag-ulan sa Kalakhang Maynila at sa siyam na mga probinsiya. Larawang mula sa Facebook page ng pamahalaan.

Mapang pinapakita ang mga lugar na apektado ng pag-ulan at pagbaha. Larawang mula sa Facebook page ni Nadja De Vera.

Makulimlim na kalangitan ang bumalot sa lungsod ng Maynila. Litratong mula sa Facebook page ni Lorrelyn Ocampo.

Delubyo sa loob ng pinakamatandang Katolikong unibersidad sa Asya. Litratong mula sa Facebook page ni Dexter Aquitania Austria.

Litrato ng baha sa Marikina, kung saan mapapansin ang mga poste ng ilaw. Larawang mula sa Facebook page ni Chris Velasco.

Ang pag-apaw ng ilog sa bayan ng Montalban, Rizal, sa may bandang silangan ng Maynila. Larawang mula sa Facebook page ni Maria Fema Duterte.

Baha sa Morayta, malapit sa tinaguriang university belt ng bansa. Litratong mula sa Facebook page ni AiRon Sulit.

Ang paglubog ng Ayala Underpass sa gitna ng central business district ng bansa. Litratong mula sa Facebook page ni Joel Garzota Vmobile.

Ang pag-akyat ng tubig baha sa Bacoor, Cavite, sa may bandang timog ng Maynila. Larawang mula sa Facebook page ng ASAP XV.

Baha sa Bocaue, Bulacan, sa may bandang hilaga ng Maynila. Larawang mula sa Facebook page ni Almond Andres.
Nagpalabas na ang gobyerno ng listahan ng mga lugar sa Kalakahang Maynila na patuloy na binabaha. Binuo rin ang isa pang talaan kung saan nakatukoy ang mga kalsadang lubog pa rin sa baha. Nilikom naman ng mga pangkat sa media ang listahan ng mga evacuation center at mga grupong rumeresponde at nagbibigay ng agarang tulong sa buong kamaynilaan.
Ang mga hashtag na #rescueph at #prayforthephilippines ang nagsilbing sandata ng mga Twitter user upang bantayan ang mga kaganapan. Narito naman ang isang paalala para sa mga mamamahayag sa media na patuloy ang pagbabantay sa nagaganap na sakuna:
@katray: Media friends, we appreciate the work. I wish journalists are waterproof. But as they are not, I hope for their safety. Take care, folks. ;)
Nadismaya naman si Carl Ramota dahil sa tagal ng pagresponde ng presidente:
Dear Aquino government, you should have done the briefing last night or early this morning. We don't want to see you in your raincoats or jacket in a conference room, talking about the things that we already know or are now experiencing. Board amphibian vessels and do an ocular inspection of flooded areas. Go to evacuation centers and distribute relief goods. Do something! Don't just sit there and talk! Heads must roll.
Tinukoy naman ni Carlo Ople ang mahalagang papel ng makabagong media upang ipalaganap ang mga ulat tungkol sa pagbaha:
As soon as the floods spread people started taking photos and uploading it on Facebook and Twitter. Their network started sharing and the network of their network shared as well until the photos became viral. The photos showed how bad the situation was.
3 Mga Komento
Overpopulation + deforestation + ignorance + Filipino people = PHILIPPINES
nangyari na naman, matapos ang isang taon, halos kasingtindi pa din ang pagbaha
buti nalang ngayong taon, hindi ganyan kagrabe :)