See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Mehiko: 7.8 Magnitude na Lindol Yumanig sa Bansa

Noong ika-20 ng Marso 2012, bandang tanghali, tinamaan ng lindol [en] ang timog at gitnang bahagi ng bansang Mehiko. Naramdaman ang lindol sa mga rehiyon ng Oaxaca, Guerrero, Morelos at Lungsod ng Mehiko. Ayon sa Mexican National Seismological Service (@SimsologicoMx) [es] taglay ng lindol ang mga katangiang ito:

SISMO 7.8 Richter 29 km al SUR de OMETEPEC, GRO 20/03/12 12:02:50 Lat 16.42 Lon -98.36 Pf 15 km

LINDOL 7.8 Richter 29 kilometro TIMOG ng OMETEPEC, GRO 03/20/12 12:02:50 Lat 16.42 Lon -98.36 Pf 15 kilometro

Nagdulot ito ng matinding takot sa isang lipunang sanay na sa mga lindol, subalit kakaiba ang naging lakas nito. Sa ilang bahagi ng Lungsod ng Mehiko, nagkagulo ang mga tao sa lansangan habang nag-aantay na makabalik sa kani-kanilang opisina. Dahil nawalan ng kuryente ang ilang kabahayan, ginamit ng mga tao ang Internet upang makausap ang kani-kanilang pamilya at ibalita ang nangyayari sa kanilang lokasyon.

Halimbawa, sabi ni Jazmin Fajardo (@jazminfajardo) [es]:

 En la condesa [barrio al centro de la ciudad de méxico] todos afuera de los edificios polvo y olor a gas

Sa La Condesa (isang pook na malapit sa Lungsod ng Mehiko) lahat ay lumabas sa mga gusali, maalikabok at amoy gasolina

Ibinalita ni Nayeli Roldán (@nayaroldan) [es] na may ilan na piniling manatili sa Zocalo (ang plaza sa gitna ng Lungsod ng Mehiko) sa kabisera ng Mehiko:

La gente desalojando los edificios cercanos al Zócalo

Nagsilabasan ang mga tao mula sa mga gusaling malapit sa Zocalo

Ibinihagi naman ni RankiaoRecordsHD sa Youtube ang bidyong ito ng lindol:

http://www.youtube.com/watch?v=XXBJl5HbY38&feature=related

Tinipon naman ni Juliana Rincón sa isang artikulo [en] para sa Global Voices ang ilan pang bidyo ng lindol na kinunan mismo ng mga mamayanan doon.

Sa gitna ng kaguluhan, nagawa pa ng Twitter account ng Walmart Mexico (@WalmartComMx) ang magbiro:

Ahora sí, pusimos a temblar a las otras tiendas con nuestros precios

Heto na, nagimbal ang ibang nagtitinda dahil sa mga presyo namin

Kinalaunan, binura ng kompanya ang tweet; subalit nakunan ito ng screenshot ni Gavo Ayala (@gavowonka) [es]:

@WalmartComMx Borra su tweet pero aqui el print de pantalla #tembor #temblorDF #temblorMexico http://twitpic.com/8z1f55

Binura ng @WalmartComMx ang tweet pero heto ang screenshot #tembor #temblorDF #temblorMexico http://twitpic.com/8z1f55

Nagdulot ito ng matinding galit sa mga gumagamit ng Twitter at mariin nilang tinutulan ito sa pamamagitan ng hashtag na #OfertasWalmart (Mga Binebenta sa Walmart)

Sa rehiyon ng Oaxaca, timog Mehiko, 25 munisipyo ang nag-ulat ng mga pinsala [es], at sa rehiyon ng Guerrero, 800 na kabahayan [es] ang nasira. Samantala sa rehiyon ng Morelos isang simbahan [es] ang tuluyang nawasak.

Sa kabila ng mga pinsala at kawalan ng kuryente sa Lungsod ng Mehiko, mas maliit ang naging epekto ng naturang lindol kung ikukumpara sa sakunang dinulot ng lindol noong Setyembre 19, 1985, kung saan lalong pinagtibay ng bansa ang paghahanda sa mga ganitong kaganapan. Masasabing nagtagumpay naman ang adhikaing ito dahil wala pang iniulat na namatay nang unang inilathala ang artikulong ito.

Ang thumbnail na larawan ay screenshot ng bidyong ginamit sa artikulong ito.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.