Bidyo: Pagsabog ng Bulkang San Cristobal sa Hilagang Nicaragua

Mapapanood sa YouTube ang mga bidyong kuha ng mga netizen sa kamangha-manghang pagsabog ng bulkan sa bansang Nicaragua noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Ang Bulkang San Cristobal [en], ang siyang pinakamatayog sa Nicaragua na matatagpuan sa Gitnang Amerika. Alas-9 ng umaga nang magpakawala ito ng makakapal na usok at abo, dahilan upang lumikas ang higit 3000 katao sa bayan ng Chinandega.

Sa bidyong ito [es] mapapanood ang pagbulusok ng abo sa ere, habang nangangamba naman ang kumukuha ng nasabing bidyo kung kailangan na ba nilang lumikas agad:

Sa susunod na bidyo naman [es], nasaksihan ng mga nakatira sa karatig-bayan ng Chichigalpa ang pag-akyat ng usok mula sa naturang bulkan:

Sa ikatlong bidyo [es], partikular sa ika-1:09 na minuto, isang malakas na pagsabog ng abo at usok ang pinakawalan ng bulkan. Komento ng taong kumukuha ng bidyo, ngayon pa lang niya nasaksihan ang ganitong pangyayari:

Pagsabog ng bulkang San Cristobal bandang 9 ng umaga noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Litratong kuha ni Ricci Rich Silva mula sa Twitpic.

Pagsabog ng bulkang San Cristobal bandang 9 ng umaga noong ika-8 ng Setyembre, 2012. Litratong kuha ni Ricci Rich Silva mula sa Twitpic.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.