Mga kwento tungkol sa Breaking News noong Hunyo, 2012
Ehipto: Mohamed Morsi, Bagong Pangulo ng Bansa
Si Mohamed Morsi ang bagong pangulo ng bansang Egypt. Inantabayan ng mga netizen sa Egypt ang ginawang pag-anunsyo hinggil sa kanilang susunod na presidente.
Pakistan: Isyu ng Pagpatay sa 5 Kababaihan sa Kohistan, Naging Masalimuot
Hatid ni Omair Alavi [en] ang panibagong ulat tungkol sa tahasang pagpatay o ang tinatawag na honor killing sa 5 kababaihan sa distrito ng Kohistan. Kinuwestiyon niya ang ginampanang papel...
Ehipto: Mubarak, Habambuhay na Mabibilanggo
Sinubaybayan ng buong mundo ang paglilitis sa dating pangulo ng bansang Egypt na si Hosni Mubarak at kanyang Ministro ng Interyor na si Habib Al Adly, na parehong hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo dahil sa pagkamatay ng mga demonstrador noong 2011. Sabay na napanood ng mga mamamayan sa kani-kanilang telebisyon ang sesyon sa hukuman. Samu't saring opinyon ang kanilang ipinahayag sa internet.