Ehipto: Mubarak, Habambuhay na Mabibilanggo

[Lahat ng link na nakapaloob sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lang kung nakasaad.]

Ang artikulong ito ay bahagi ng espeyal na pagbabalita tungkol sa Rebolusyon sa Egypt 2011.

Inabangan ng buong mundo ang ginawang paglilitis sa dating pangulo ng bansang Ehipto na si Hosni Mubarak at sa kanyang Ministro ng Interyor na si Habib Al Adly. Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ang dalawa dahil sa ginampanang papel sa pagkamatay ng mga aktibista. Gumugol ng 49 na sesyon, 250 oras, at 60,000 pahina ang buong paglilitis, ayon sa tweet ni Sultan Al Qassemi, mula sa pahayag ng mahistrado na si Ahmed Refaat.

Ipinalabas sa telebisyon ang makasaysayang hatol, at hindi naman napigilan ng mga netizen na magbigay puna habang ginaganap ang sesyon sa korte. Napawalang sala ang dalawang anak ni Mubarak, na sila Alaa and Gamal, na kinasuhan ng pangungurakot. Abswelto din ang ilang opisyales na pinamumunuan ni Al Adly, na sinisisi sa pagkamatay ng mga demonstrador noong nakaraang taon sa makasaysayang pag-aaklas sa Egypt, na sinimulan noong Enero 25, 2011.

Matapos ipinataw ang hatol, ito ang tweet ng blogger na taga-Egypt na si Mahmoud Salem, o Sandmonkey:

@Sandmonkey: #Mubaraktrial ended in a sham verdict: He and his Minister of Interior received an easily turnable life in prison sentence, every1 else free

@Sandmonkey: #Mubaraktrial nagtapos sa walang kwentang hatol: Habambuhay na pagkabilanggo para sa kanya at sa kanyang Ministro ng Interyor, na madaling baliktarin, ‘yung iba naman pinawalang sala

Dagdag niya:

@Sandmonkey: The same people who have killed and tortured egyptians are now free to go back to their jobs at the MOI. Imagine that #Mubaraktrial

@Sandmonkey: Malayang makakabalik sa kani-kanilang trabaho sa MOI [Ministry of Interior] ang mga taong pumatay at nagpahirap sa mga mamamayan ng egypt. Akalain mo ‘yun

Kuha sa telebisyon ng pagdating ni Mubarak sa korte ng umagang iyon, mula sa tweet ni Sultan Al Qassemi

Sa ulat ni Gigi Ibrahim:

@Gsquare86: Chaos breaks out inside court and chanting “people demand the independence of judiciary” chanting “Fraud!” #MubarakTrial

@Gsquare86: Nagkagulo sa loob ng korte, nagsigawan ang mga tao, “maging patas ang hudikatura” at “Pandaraya!”

@Gsquare86: I don’t get how head of MOI Aldy charged yet no policeman nor his men get charged with anything?!!!! #MubarakTrial

Hindi ko maintindihan, pinarusahan si Aldy, pinuno ng MOI, pero pinawalang sala ang pulisya at kanyang mga tauhan?!!!!

Sa pananaw naman ng mamamahayag na si Bel Trew:

@Beltrew: Life time in jail for #Mubarak is not as bad as it seems. He has gardens,swimming pool &an airstrip. http://uk.reuters.com/article/2012/06/01/uk-egypt-trial-mubarak-idUKBRE85017O20120601 #MubarakTrial

@Beltrew: Hindi na masama para kay #Mubarak ang mabilanggo ng panghabambuhay. Doon, may hardin, swimming pool at maliit na paliparan.

Ipinaliwanag naman ng mamamahayag ni Patrick Tombola ang hatol:

@ptombola: #Mubarak‬ & Adly convicted for failing to prevent killings not for ordering them.Big distinction & not a comforting one. ‪#Egypt‬ ‪#Mubaraktrial

@ptombola: #Mubarak at Adly hinatulan dahil sa kanilang pagkukulang na pigilan ang mga pagkamatay, at hindi dahil inutos nila ito. Malaking kaibahan at talagang nakakabahala.

Paalala naman ni Mina Zekri [ar]:

نذكر الجميع قبل الحكم أنه سيكون حكما ابتدائيا والعبرة بحكم محكمة النقض بعدما يطعن المتهمون على الحكم ‎‫#محاكمة_مبارك‬‏ ‎‪#mubaraktrial
@minazekri: Paalala sa lahat, paunang hatol pa laman ito at kailangan pang hintayin ang apila ng mga nasasakdal sa Hukuman ng Paghahabol [Court of Appeals]

Pinagsama-sama ni Asteris Masouras ang samu't saring reaksyon sa Twitter ng mga netizen tungkol sa hatol. Ginawa naman ni Rayna St. ang koleksyong ito sa Storify upang bigyan ng mas malawak na konteksto ang mga kaganapan. Dagdag ni Noon Arabia ang ilang reaksyon sa talakayan.

Basahin ang iba pang reaksyon sa Twitter sa hash tag na #Mubaraktrial.

Ang artikulong ito ay bahagi ng espeyal na pagbabalita tungkol sa Rebolusyon sa Egypt 2011.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.