Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa naganap na Lindol sa Japan 2011 [en].
Isang bidyo [ja] ang ibinahagi ni Tetsuya Hayashi noong ika-18 ng Setyembre, 2012, sa bagong online citizen media site sa Japan na 8bit news [ja], kung saan isiniwalat niya ang anomalya tungkol sa mga empleyadong nagtatrabaho bilang tagalinis ng nasirang Fukushima Daiichi nuclear power plant.
Namasukan siya sa bakanteng posisyon bilang ‘Backup Logistics Support’, ngunit huli na nang malamang niyang isasabak pala siya sa paglilinis ng planta; umaabot sa 1 mSv kada minuto ang radyasyon na kanyang natatanggap.
Ang pinsalang natamo [en] ng paggawaan ng koryenteng nuklear ay isa sa mga pinakamalaking kwento noong 2011 matapos ang lindol at tsunami sa bansang Hapon.
Inilahad sa nasabing bidyo, na kamakaila'y ginawang pribado, ang mapanganib na kalagayan ng mga nagtatrabaho sa Fukushima Daiichi:
18、19の未成年も含め、放射線作業の知識や経験もない素人集団が、十分な教育も受けられないまま、経歴を詐称させられ安い賃金で現場に送り込まれる現実に直面した。
Mga bagong empleyado na halos 18 o 19 taong gulang ang mga ipinadala sa lugar, na walang sapat na pagsasanay o kaalaman. Sinabihan lang kami na gumawa ng resume at isulat doon na kunwari may karanasan na kami sa pagtatrabaho.
Isang Twitter user [ja] ang naglantad ng anomalya at isinalin ang buong nilalamn ng bidyo sa wikang Ingles.
あまりにひどいので、英語発信しました。→【実名告発・特ダネ】原発作業員を「嘘の履歴書」で現場に。下請け構造不正の実態 @8bit_HORIJUN さんより
Sobra na ‘to. Isinalin ko sa Ingles. →【Kakapasok na Balita】Mga Manggagawa sa Plantang Nuklear Isinabak kahit Peke ang Resume. Alamin ang katotohanan sa anomalya ng pangongontrata sa @8bit_HORIJUN
Ang kabuuan ng isinaling teksto ni Yuri Hiranuma ay matatagpuan sa Google doc na ito [en].
Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtalakay sa naganap na Lindol sa Japan 2011 [en].