See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Ehipto: Mohamed Morsi, Bagong Pangulo ng Bansa

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtutok ng mga kaganapan sa Halalan sa Egpyt 2011/2012.

Si Mohamed Morsi ang bagong halal na pangulo ng bansang Egypt. Walang sawang inabangan ng mga netizen ang ginawang pag-anunsyo tungkol sa susunod na presidente ng Egypt.

Naging pinakamabigat na katunggali ni Mohamed Morsi mula sa partidong Muslim Brotherhood si Ahmed Shafiq, na nagsilbing Punong Ministro sa ilalim ng rehimen ng dating Pangulong Hosni Mubarak.

Hindi naman nakapag-antay si Hossam Eid at nag-tweet bago pa man idineklara ang resulta [ar]:

يسقط الرئيس القادم
@EidH: Ibagsak ang susunod na pangulo

Bago idineklara ang resulta, nagbigay ng mahabang talumpati si Farouq Sultan, ang pinuno ng komite ng halalan; bagay na ikinainip ng maraming netizen.

Pabirong tweet ni Haisam Yehia:

الثورة الجاية فكروا مانعملش لجنة انتخابات
@jarelkamar: Huwag na tayong magtalaga ng komite ng halalan sa susunod na rebolusyon

Dagdag pa ni Basem Fathy:

فاروق سلطان رئيس لجنة الانتخابات بيحيي فاروق سلطان رئيس المحكمة الدستورية على احكامه التاريخية
@basemfathy: Pinuri ni Farouq Sultan, pinuno ng komite ng halalan, si Farouq Sultan (ang kanyang sarili), pinuno ng Constitutional Court, tungkol sa makasaysayang pagdedesisyon

Nagpatawa naman si Robin Wigglesworth sa kanyang tweet:

@RobinWigg: Expecting him to start detailing individual vote sheets being discounted for smudges of shesha molasses in Port Said.

@RobinWigg: Baka ang sumunod diyan, idedetalye pa niya ang diskwento sa mga balotang may dumi ng shesha molasses sa Port Said.

Sa kabila ng mga biro, seryosong usapin ang buong kaganapan para sa mga taga-Egypt. Ayon kay Pakinam Amer:

@pakinamamer: Every time the announcer says “ra2ees” (in any context) my heart skips a beat. #LOL #Egyelections

@pakinamamer: Sa bawat pagkakataong nababanggit ng tagapag-anunsyo ang mga salitang “ra2ees”, tumitigil ang tibok ng puso ko.

Tanong ni Amal Ghandour:

@amalghandour: Oh, why, why, why, do we always have to suffer an epic speech before we get to the bloody point. #Egypt.

@amalghandour: Bakit, bakit, bakit pa ba kailangan ng mahahabang talumpati bago sabihin ang talagang pakay

Hindi naman napigilan ni Sara Hussein ang kanyang sarili:

@sarahussein: OH COME ON, ANNOUNCE THE RESULTS #EGYPT’

@sarahussein: ANO BA, SABIHIN NIYO NA ANG RESULTA

Puna ni Jack Shenker:

@hackneylad: Bloody hell, the revolution is going meet its death at the hands of a thousand clichés and bureaucratic inanities at this rate #Egypt

@hackneylad: Hay naku, magtatapos lang ang rebolusyon sa kamay ng libu-libong pasakalye at kawalang-saysay ng burukrasya

Mula sa Liwasan ng Tahrir, nag-ulat si Evan Hill:

@evanchill: Everyone in tahrir is exasperated, hands on heads during this preamble.

@evanchill: Lahat dito sa Tahrir napapabuntong-hininga, napapakamot ng ulo sa pambungad na pananalita

Patuloy na tumutok para sa mga karagdagang reaksyon mula sa Egypt.

Ang ulat na ito ay bahagi ng aming espesyal na pagtutok ng mga kaganapan sa Halalan sa Egpyt 2011/2012.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.