Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo

Tuluyang natuldukan noong ika-6 ng Mayo ang Halalan ng taong 2012 para sa Pagkapangulo ng bansang Pransiya, ang pangsampung eleksyon para sa pagkapangulo ng Ikalimang Republika. Nakakuha ng 51.90% ng kabuuang boto ang kandidato ng Partidong Socialist na si Francois Hollande [en], samantalang 48.10% naman ang nakuha ng kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy [en] sa ikalawang pagtatagpo ng naturang halalan. Susundan naman ito ng eleksyon para sa parliyamentaryo sa ika-10 at ika-17 ng Hunyo.

Pag-aabang sa Resulta

Nagtipon-tipon sa La Mutualité ang mga taga-Paris na sumusuporta kay Nicolas Sarkozy at binalak na dumiretso sa Place de la Concorde (sa bandang huli, napagpasyahan nilang ikansela ang pagpunta sa Place de la Concorde). Ito ang litratong kuha noong alas-7 ng gabi sa isang silid sa La Mutualité:

Isang silid sa Mutualité noong alas-7 ng gabi mula kay @fgerschel sa Twitter

Nagsama-sama naman sa Kalye Solferino ang mga sumusuporta kay Francois Hollande at binalak na tumulak papuntang Bastille sa sandaling manalo ang kanilang kandidato.

Bastille noong alas-7 mula kay @Laurent_Berbon sa Twitter

Nag-abang naman ng resulta ang mga mamamayan sa lungsod ng Tulle, kung saan naging alkalde si Francois Hollande:

Ang gitnang plaza sa bayan ng Tulle mula kay @webarticulista

Pag-anunsyo sa Kinalabasan ng Halalan

Dahil pinagbabawal sa Pransiya ang pag-uusap tungkol sa resulta ng eleksyon hanggang alas-8 ng gabi, gumamit ng iba't ibang pamamaraan ang mga nasa Internet [en] upang talakayin ang mga haka-haka ng dayuhang media at pahayagan. Sa Twitter, naging sikat ang nakakatuwang hashtag na #radiolondres [fr].

Ang hashtag na #radiolondres sa Twitter

Kagalakan at Kalungkutan

Matapos ianunsyo ang resulta ng halalan, maraming aktibista ang nagbunyi:

Pagdiriwang sa Bastille @samschech

Bakas naman ang kabiguan sa mga mukha ng nasa kampo ng nakaupong Pangulo:

Napaluha ang isang kasapi ng UMP (partido ni Sarkozy) @Alexsulzer

Nabalot naman ng katahimikan ang lansangan sa harap ng La Mutualité matapos malaman ang kinalabasan ng eleksyon:

Nalaman ng mga aktibista ang resulta, sa harap ng La Mutualité @eanizon

Mapapanood ang mga talumpating pangwakas ng dalawang kandidato sa kani-kanilang website: (François Hollande [fr] at Nicolas Sarkozy [fr]).

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.