Pinaghandaan ng bansang Bahrain ang Formula One Grand Prix [en] na ginanap noong ika-22 ng Abril, subalit hindi naiwasan ang mga malalaking kilos protesta [en] ilang araw bago ang naturang petsa. Itinuon ng mga demonstrador ang atensyon ng buong mundo [en] sa kalagayan ng karapatang pantao sa Bahrain [en][pdf], at sa lumalalang lagay ng kalusugan ng bilanggong aktibista na si Abdulhadi Alkhawaja [en] na nagha-hunger strike magmula noong ika-8 ng Pebrero, 2012.
Matatandaang kinansela ang Grand Prix noong taong 2011 [en] dahil sa kaguluhang pulitikal sa nasabing bansa. Napagpasiyahan na hindi ikakansela ang karera ngayong taon, sa gitna ng patuloy na kaguluhan. Sa mga nakalipas na araw pina-igting ng gobyerno ang pagbabantay sa mga nagpoprotesta, at hindi na rin pinayagang makapasok ng bansa [en] ang maraming dayuhang mamamahayag. Sa mga naganap na sagupaan, naglabas ng mga stun grenade at tear gas ang kapulisan, at natagpuang patay [en] ang isang demonstrador na si Salah Abbas Habib.
Isang malaking martsa bilang pag-aaklas ang naganap noong Abril 20, na mapapanood sa susunod na bidyo [en] mula sa Samahang Al Wefaq [en]:
Nabalot ang lugar ng tensyon [en], at kapansin-pansin ang pagbabantay ng kapulisan sa buong bansa. Ayon pa sa mamahayag ng Formula One na si Ian Parkes noong umaga ng Abril 22:
@ianparkesf1 [en]: On the final day of the ‘count the police cars’ game’ heading to the track, today's grand total is 86!
Noong Abril 21, inilarawan ng aktibistang si Nabeel Rajab [en] ang kalagayan sa ibang bahagi ng Bahrain:
[en]: From my house I hear ambulance, helicopter, police car and shooting but #F1 management say every things is ok #Bahrain #GP London
Nag-tweet naman noong Abril 21 si Dr Fatima Haji (isa sa mga doktor na kinasuhan [en] dahil sa paggamot sa mga nagpoprotesta noong isang taon):
@drFatimaHj [en]: My 3yrs old son, my husband and I are suffocating in our flat in Bani Jamra as security forces are shooting tear gas in Duraz!! #F1 #Bahrain
Mapapanood naman sa susunod na bidyo [en] mula kay Qamar70 [en] ang pagtatapon ng tear gas ng mga riot police sa mga lansangan ng Saar noong Abril 19:
http://www.youtube.com/watch?v=w4O31YlRjEE
Kinuwestiyon naman ni Justin Gengler sa blog na ‘Religion and Politics in Bahrain’ [Relihiyon at Pulitika sa Bahrain] kung tama ba ang naging desisyon [en] na ituloy pa rin ang karera:
If you search Google News for “Bahrain Formula One,” you find that the ratio of negative (political) to positive (race-related) news articles is about 4,082 to 232, or about 17.5 : 1. With coverage like this, Bahrain's leaders may be rethinking their cost-benefit analysis.
Sa kanyang kasunod na post, inihilera naman ni Justin Gengler ang ilang larawan [en] tungkol sa Karera ng Formula One, kabilang na ang larawang ito na gawa ni Carlos Latuff:
Hinamon naman ng blogger na si Emily L. Hauser ang ideyang magiging positibo para sa nasabing bansa [en] ang idinaos ng karera:
Discussing the fact that the Formula One Grand Prix race will be held in his country on Sunday despite a year-long uprising in which protesters have been killed, gassed, imprisoned, and tortured, Crown Prince Salman bin Hamad Al Khalifa told the BBC that “cancelling the race just empowers extremists,” whereas holding the race can serve as “a force for good” [en].
A force for good.
A force for good?
You know what’s a force for good? Democracy. Human rights. Liberty and justice. That sort of thing.
Mabuting halimbawa.
Mabuting halimbawa?
Alam mo ba kung ano ang mabuting halimbawa? Demokrasya. Karapatang pantao. Kalayaan at hustisya. Gano'n.

Pinalibutan ng barbed wire ang bayan ng Qadam bago simulan ang karera ng F1. Litrato ni @Sajjad_Alalwi mula sa Twitter.
Ipinagtaka naman ni Mohammed Ashoor kung ano ang kahihinatnan ng mismong araw ng karera:
@mohdashoor [en]: The skyline in #Bahrain is filled with smoke from burning tyres as #F1 teams get ready to start their engines. Will be an interesting day.
Ulat naman ng mamamahayag na si Javier Espinosa:
@javierespinosa2 [en]: New clashes in villages like Malkiya, Karzakan, Sadad and Damistan in #Bahrain before the start of #F1
Dagdag naman ng correspondent tungkol sa mga karerang de-motor para sa The Times, na si Kevin Eason:
@easonF1 [en]: Good morning Bahrain and the UK and others. On way to #bahrain GP circuit for one of the most controversial races in F1 history
Binuo naman ng Reporters Without Borders (RSF) [en] ang susunod na bidyo [en] tungkol sa karera: