Ang akdang ito ay parte ng aming espesyal na pag-uulat tungkol sa Rebolusyon sa Libya 2011.
Kinundena ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa konsulado ng Estados Unidos sa bayan ng Benghazi, sa bansang Libya noong Martes, ika-11 ng Setyembre 2012. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.
Ayon sa mga balita, pinaligiran ng mga nagpoprotesta ang konsulado, galit dahil sa isang pelikula kung saan kinutya ang Propetang Mohammed, na binuo ng isang American-Israeli. Sa Cairo naman, isang protesta rin ang naganap, kung saan inakyat ng mga nagpoprotesta ang pader ng embahada ng Estado Unidos, binaba ang bandila ng Estados Unidos, at pinalitan ito ng isang bandilang Islamic.
Ikinagalit ng mga netizens mula sa ibayong rehiyon ang pagpaslang kay Ginoong Stevens at ng tatlo pa niyang mga tauhan mula sa konsulado ng Estados Unidos.
Tinatanong ng Libyan Youth Movement:
@ShababLibya: What did attacking the consulate last night achieve? Nothing but destruction, violence, & utter tragedy.
Ayon kay Abdulraqeeb Al Azzane [ar]:
قتل السفير الأمريكي ليس نصراً للرسول صلوات ربي وسلامه عليه ياحمقى، بل هو ترسيخ للصورة الذهنية السيئة التي يروج لها منتجو الفيلم. أسفي #ليبيا
Sabi ni Nasr Aldbea [ar]:
أنا بعد شفت مظاهرات #مصر توقعت ح يصير شي مماثل في #ليبيا .. انا متأكد اللي حرقوا وفجروا ما عندهمش علم حتي بالفيلم !
Sa tweet ni Khalil Agha [ar]:
السفير الامريكي الذي قتل في بنغازي كان مناصرا قويا للثورة في ليبيا، واحب العالم العربي. فكافأنه بالقتل. بئس الامة نحن. #ليبيا #عرب #امريكا
Pinapaalala naman ni Saudi Fahad Albutairi [ar]:
لا شيء أشد خطرًا من شخص اجتمع فيه الحماس الديني والجهل. الثورة الليبية ستفقد مصداقيتها إن لم يُحاسب المجرمون الذين قتلوا السفير الأمريكي.
At sumasang-ayon ang Libyan na si Ahmed Misrata:
@AhmedEMisrata: Last night's event was a disgrace to our revolution, our martyrs and most of all, a disgrace to the teachings of the Prophet PBUH #Benghazi
@AhmedEMisrata: Ang pangyayari kagabi ay isang kahihiyan sa ating rebolusyon, sa ating mga martir, at higit sa lahat, isang kahihiyan sa lahat ng mga turo ng Propeta PBUH #Benghazi
Mula Ehipto, nagpahayag si Schehrazade:
@_Schehrazade_: A man doing his job got killed in #Libya because some amateurs made a worthless movie and some freaks valued it. Continue hating.
@_Schehrazade_: Pinaslang sa Libya ang isang taong nagsisikap, dahil gumawa ng isang walang kuwentang pelikula ang kung sinumang mga apisyonado, at pinahalagahan ito ng mga hunghang. Ipagpatuloy ang poot.
At mula sa Benghazi, nagpahayag si @N_Benghazi:
@N_Benghazi: The Prophet (saws) wouldn't have accepted that innocent blood be spilled because people are offended over some nobody's movie. #libya
@N_Benghazi: Hindi sasang-ayon si Propeta na dadanak ang inosenteng dugo, dahil nasugatan ang damdamin ng mga tao dahil sa pelikula ng isang taong walang kuwenta. #libya
Dahil sa mga pangyayari, hinulaan ng manunulat na taga-Egypt na si Karim El Degwy ang mga susunod na kaganapan [ar]:
الهجوم على السفارة الليبيا هيكون له تأثير كبير أوي وهـيغير نتيجة الانتخابات بما لا يفيد العرب ولا المسلمين … مبروك علينا الأرهاب يا رجاله!
At mula sa Ehipto pa rin, pinasiya ni Nadia El Awady na [ar]:
والله نستاهل كل اللي يجرالنا. العالم كله حيعاملنا بقرف لحد ما نخلص على الجهل والتعصب اللي فينا. العيب فينا مش في حتة فيلم عبيط.
Ang akdang ito ay parte ng aming espesyal na pag-uulat tungkol sa Rebolusyon sa Libya 2011.