Mga kwento tungkol sa Breaking News noong Mayo, 2012

Pransiya: Mga Litrato ng Reaksyon Matapos ang Halalan sa Pagkapangulo

Agad nabigyang kasagutan ang ginanap na halalan sa pagkapangulo ng bansang Pransiya noong ika-6 ng Mayo 2012. Nakakuha si Francois Hollande ng 51.90% ng kabuuang boto, samantalang 48.10% naman ang napunta sa kasalukuyang Pangulo na si Nicolas Sarkozy. Bakas sa mga litrato online ang bawat kaligayahan at panghihinayang ng magkabilang kampo matapos ilabas ang resulta.