Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian

[Lahat ng mga link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles.]

Mula sa VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, inihahandog ang mga natatanging kwento at bidyo tungkol sa iba't ibang lipunan sa buong mundo na apektado ng kaguluhan at krisis, at ang kanilang pagpupunyagi tungo sa hinaharap.

In places such as Afghanistan or Zimbabwe, despite the apparent lack of clear structures of governance, “things” still seem to get done. This happens in large part thanks to all sorts of local customs, new-found practices and intricate deals made between groups in power. Understanding these everyday arrangement is key to knowing what kind of policies can help to improve the lives of those living in these countries affected by conflict and crisis.

Sa mga lugar gaya ng Afghanistan o Zimbabwe, bagamat hindi malinaw ang kanilang estraktura ng pamahalaan, naisasakatuparan pa din naman ang mga “bagay-bagay”. Dahil ito sa mga lokal na kagaiwan, mga makabagong paraan ng pagpapatakbo, at samu't saring pakikipagtulungan ng mga grupong nasa kapangyarihan. Ang maunawaan ang ganitong pang-araw-araw na kalakaran ay siyang susi sa pagtukoy sa mga nararapat na polisiyang mag-aangat sa buhay at kabuhayan ng mga mamamayan ng mga bansang nasasadlak sa krisis at mga kaguluhan.

Mula sa mga bansang Latinong Amerika kung saan may ilang peryodista at mamamahayag ang pinapatay, mga katutubong ipinagtatanggol ang kultura at lupain ng kanilang mga ninuno, hanggang sa mga kababaihan ng Silangang Asya na ipinaglalaban ang karapatang maging ina at ang karapatang makapaghanapbuhay, masasabing malawak ang sakop ng koleksyon ng mga bidyo na nilapatan ng mga subtitle sa wikang Ingles. Hatid nila ang pagsilip sa mga suliranin at isyung kinakaharap ng mga komunidad, pati ang mga hakbang na ginagawa ng mga mamamayan. Narito ang ilang halimbawa ng mga kwentong tampok sa nasabing proyekto:
 
Sa bansang Pilipinas, isinusulong ng kanilang pamahalaan ang pagsasanay ng mga kababaihan upang maging magaling na kasambahay sa ibang bansa, alinsunod sa katotohanang malaki ang nai-aambag sa pambansang yaman ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat. Sa kwentong ito, matutunghayan natin ang paglalakbay ni Mia, isang dalaga, papuntang training center kung saan tinuturo ang paglilinis ng bahay at mga makabagong kasangkapan na hindi pangkaraniwang nakikita sa kanyang tirahan. Pangarap niyang makapagtrabaho sa ibang bansa balang araw at makapagpadala ng pera nang makatulong sa kanyang pamilya.

 
Kinakaharap naman ng mga kababaihang may kapansanan sa Thailand ang panghahamak at mga balakid sa isang lipunan na kumukuwestiyon sa kanilang kakayahan sa pagiging ina. Ilan lamang ito sa mga pagsubok na nakapaloob sa isang lungsod ng mga hagdan at lubak-lubak na lansangan. Ibinabahagi sa bidyong ito ang mga personal na salaysay at mensahe sa lipunan na kanilang kinabibilangan.

 
Hinahamon naman ng susunod na bidyo ang karaniwang paniniwala natin tungkol sa mga katutubo, at ginawang halimbawa dito ang Peru:

70 families from the ethnic Group Shipibo conibo, moved from Pucallpa (near the border with Brazil) to look for a brighter future in the Capital City of Lima.

70 pamilya mula sa pangkat etnikong Shipibo Conibo ang lumipat mula Pucallpa (isang pook sa Peru na malapit sa Brazil) papuntang Lima, ang kabisera, upang itaguyod ang mas magandang hinaharap.

Tumututol man ang ilang antropolohista, na nagsasabing kinakailangang bumalik ng mga katutubo sa Amazon upang ipagtanggol ang kagubatan, bagkus patuloy ang pangarap ng mga katutubo sa mas magandang oportunidad, hanapbuhay, edukasyon at kalusugan, bagamat hindi nila kinakalimutan ang sariling pagkakakilanlan – sa katunayan, pumapasok ang kanilang mga anak sa mga paraalang bilingual na gumagamit ng wikang Shipibo at Espanyol.

 
Sa bayan ng Karachi, Pakistan naman, sinimulan ng isang dating guro ang isang libreng paaralan para sa mga kabataan na hindi sakop ng pampublikong edukasyon ng gobyerno. Mula sa pondong nalikom sa Estados Unidos sa loob ng kalahating taon at galing sa sariling bulsa, hatid ni Rafat Ishaq sa kanyang mga mag-aaral ang panibagong pag-asa sa buhay na hindi lubos akalain ng kanilang mga magulang.

 

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.