Mga kwento tungkol sa Peru
Graffiti at Sining Panglungsod ng Latinong Amerika: Sa Internet at sa mga Lansangan
Buhay na buhay ang paggawa ng mga graffiti at sining panglungsod sa Latinong Amerika. Narito ang maikling sulyap sa mga bagong akda sa mga blog na itinatanghal ang mga litrato at bidyo ng masiglang kilusan ng kontemporaryong sining mula sa iba't ibang panig ng rehiyon.
Bidyo: Kalakaran sa Iba't Ibang Lipunan – Pagsilip sa mga Kakaibang Kaugalian
Hatid ng VJ Movement, sa pakikipagtulungan ng London School of Economics, ang mga bidyo at kwento ng buhay tungkol sa mga lipunan mula sa bawat sulok ng mundo na nasasadlak sa iba't ibang uri ng krisis at kaguluhan. Tampok dito ang kani-kanilang pagpapahalaga sa mas magandang kinabukasan.
Living Tongues: Mga Kasangkapang Teknolohiya Upang Sagipin Ang Mga Wikang Nanganganib Mawala
Batid ng Living Tongues Institute for Endangered Languages na sa pagkamatay ng bawat katutubong wikang nanganganib mawala, kasamang nabubura sa kamalayan natin ang kasaysayan ng isang bahagi ng lipunan. Bilang tugon sa isyung ito, nagsasagawa ang naturang surian ng masinop na pagdodokyumento ng mga lenggwaheng sinasabing nasa peligro, at nagbibigay gabay sa mga pamayanan upang mapanatili o buhaying muli ang kanilang kaalaman tungkol sa katutubong wika, sa tulong ng ICT at mga kagamitang likha ng kanilang komunidad. Kumakalap din ito ng sapat na pondo upang makabili ng kagamitang pangrekord at mga kompyuter para sa 8 napiling indibidwal na nagsusulong ng kanilang katutubong wika sa mga pamayanan ng Indiya, Papua New Guinea, Chile at Peru.
Pagkanta ng Pambansang Awit sa Sariling Wika
Makikita sa YouTube ang sangkatutak na bidyong gawa ng mga mamamayan na itinatanghal ang mga pambansang awit na isinalin-wika sa mga katutubong lenggwahe. Batay sa mga komento at puna sa mga bidyo, ipinagmamalaki ng mga gumagamit ng katutubong wika ang mga bidyong ito sapagkat naipagbubunyi nila ang kanilang bayan gamit ang sariling wika.
Pagdadalantao at Bilangguan: Kalusugan at Karapatan ng Kababaihan sa Likod ng Rehas
Isa pa ring pagsisikap ang masiguro ang karapatang pantao para sa lahat ng nagdadalantao sa buong mundo, at tila habang isinasakatuparan ito, hindi napapansin ang mga nakabilanggo na nagdadalantao. Ano ang mga hakbang na ginagawa upang masiguro na natatrato sila ng makatao, upang isaalang-alang ang bata sa sinapupunan nila?