See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Graffiti at Sining Panglungsod ng Latinong Amerika: Sa Internet at sa mga Lansangan

Noong Enero 2010, isinulat ni Issa Villarreal [en], kontributor sa Global Voices, ang isang ulat-serye hinggil sa paglaganap ng sining at graffiti sa maraming lungsod at bayan, na may pamagat na “Graffiti and Urban Art: Voices from Latin American Streets” [Graffiti at Sining sa mga Lungsod at Bayan: Boses ng mga Lansangan sa Latinong Amerika] (I, II, and III [en]). Magmula noon, padami ng padami ang mga blogger na nagsusulat tungkol sa naturang alternatibong sining na patuloy na tinatangkilik sa buong rehiyon.

Kamakailan, binisita ng taga-Bolivia na si Patricia Vargas (@arquitecta [es] sa Twitter) ang bansang Chile at nasaksihan niya mismo ang masiglang kilusan ng sining panglungsod sa bansa. Ibinahagi niya ang ilang litrato at ang kanyang mga natutunan sa isang artikulo para sa blog na Bitácora Salinasanchez [es]:

El arte urbano contemporaneo encuentra en Chile una gran galería de “arte para todos” ubicando grandes obras en varias ciudades y espacios públicos.

Según Hervé Chandès, curador de arte contemporáneo, afirma que el graffiti tiene mucha resonancia en Chile debido a los fuertes movimientos de protesta que vieron en los muros un soporte para hacer denuncias.

Sa Chile, natagpuan ng kontemporaryong sining panglungsod ang kanyang kanlungan sa isang malaking galeriya na “bukas para sa lahat”, kung saan makikita ang mga magagandang likha sa iba't ibang siyudad at mga pampublikong lugar.

Ayon kay Hervé Chadnés, isang tagapangalaga ng mga kontemporaryong sining, tinatangkilik ang graffiti sa Chile dahil naging tampulan ng mga reklamo ng mga kilusa ang mga dingding at pader.

Tinukoy ni Patricia ang ilang mahahalagang sentro ng sining panglungsod sa siyudad ng Santiago, gaya ng Barrio Bellavista [en]:

Bellavista, Santiago, Chile. Litratong kuha ni Patricia Vargas. May pahintulot sa paggamit sa artikulong ito.

Bellavista, Santiago, Chile. Litratong kuha ni Patricia Vargas. May pahintulot sa paggamit sa artikulong ito.

Ginawa rin niyang halimbawa ang sining panglungsod sa bayan ng Valparaíso, na matatagpuan sa may tabing dagat:

Valparaíso, ciudad portuaria de particular arquitectura, con una topografía llena de sorpresas donde el patrimonio y el abandono juegan un papel importante creando un hito a nivel mundial en el arte urbano, convirtiéndose en una galería internacional, es la Meca del graffiti, donde los rincones y recovecos menos pensados han sido apropiados por artistas locales y foráneos. Valparaíso es un juego de sensaciones visuales que te permite crear nuevos imaginarios de diferentes estéticas que van desde la consigna política, el punk hasta el humor.

Ang Valparaíso, daungan ng mga barko at lungsod na may katangi-tanging arkitektura, puno ng nakakagulat na topograpiya, kung saan ang mga pamana nito at ang naging kapabayaan ay nagsilbing hakbang upang umusbong ang pandaigdigang sining pangkalye doon, ito ang Mecca ng graffiti, at kung saan bawat sulok ay may iniwang likha ang mga alagad ng sining, mapalokal man o dayuhan. Nilalaro ng Valparaiso ang inyong paningin at hinihikayat ka sa mga makabago at kakaibang kagandahan, gaya ng mga panawagang pulitikal, likhang punkista, at mga nagpapatawa.

Valparaíso, Chile. Litratong kuha ni Patricia Vargas, ginamit ng may permiso

Valparaíso, Chile. Litratong kuha ni Patricia Vargas, ginamit ng may permiso

Kamakailan nakapagsulat naman si Juan Arellano [en], ang Patnugot ng Lingua para sa Global Voices Espanyol, sa kanyang sariling blog [es] patungkol sa mga graffiti na matatagpuan sa Iquitos, Peru [en], sa gitna ng mga kagubatan ng Amazon. Paliwanag ni Juan, hindi maganda ang tingin ng pamahalaang Peru sa graffiti, sa pangkalahatan; madalas binabaklas o ibinubura ng otoridad o ng may-ari ang mga ganitong klase ng larawan. Kaya laking gulat niya nang makakita ng maraming graffiti sa bayan ng Iquitos sa kanyang pagbisita doon.

Sining panglungsod sa Iquitos, Peru. Larawang mula kay Juan Arellano

Iquitos, Peru. Sining panglungsod na gawa ni Sose. Litratong kuha ni Juan Arellano

Sa kanyang ulat, isinalaysay ni Juan ang kuwento ni Sose [en], isang binatang alagad ng sining. Ang istorya ni Sose ay isang halimbawa ng mga hamon na kinakaharap ng larangan ng kontemporaryong sining sa rehiyon:

Sose fue protagonista de un bochornoso hecho en días recientes: mientras realizaba un mural en una de las calles de Iquitos fue golpeado y detenido [es] como delincuente por miembros del serenazgo de la ciudad quienes lo llevaron a la comisaría, quitándole además sus sprays y bocetos de dibujo. A raíz de esto el Director Regional de Cultura declaró [es] su preocupación por el exceso de fuerza aplicado y pidió comprensión a las autoridades municipales pues estos artistas ayudan a embellecer la ciudad.

Gumanap na bida si Sose sa isang nakakahiyang kaganapan kamakailan: habang tinatapos ang isang mural sa isang kalye sa Iquitos, ginulpi at dinakip si Sose [es] ng pulisya at dinala sa kanilang himpilan bilang isang kriminal, tangay ang mga lata ng ‘spray’ at mga guhit. Nang mabalitaan ang pangyayari, nagbigay ng pahayag [es] ang Direktor ng Kultura ng Rehiyon tungkol sa paggamit ng marahas na pamamaraan kay Sose at nanawagan sa mga pulis na pahalagahan ang mga kontribusyon ng mga alagad ng sining sa pagpapaganda sa siyudad.

Ang graffiti ay isang uri din ng pagpoprotesta, gaya na lamang ng litratong ito na kuha ni Juan:

"Dagundong ng tubig sa Iquitos". Litratong kuha ni Juan Arellano

Sa Facebook matatagpuan ang ilang mga pahina patungkol sa sining panglungsod na makikita sa Latinong Amerika, gaya ng La Argentina Graffitera [es], kung saan nakalagay ang mga larawan at impormasyon patungkol sa kontemporaryong sining sa bansang Arhentina, at hinihikayat ang mga tao na maglagay ng mas maraming litrato.

Sa blog na Muro Rebelde [es] (“Rebeldeng Pader”), isang proyekto ni Pablo Andrés Rivero [en] na tumutulong din sa Global Voices, makikita ang mga bidyo at litrato ng naturang sining. Sa susunod na bidyo, makikilala niyo sila Brenda at Maria Eugenia [es], dalawang alagad ng sining sa Arhentina, at ang kanilang mga likhang “naglalayong mag-iwan ng marka sa kalikasan at ng maraming kulay sa mga napabayaang espasyo.”

Ibinahagi din ni Pablo ang mga gawa ng Ecuadorian na si Carla Sanchez [es], o mas kilala bilang si Budoka:

Maaari mong sundan ang mga pinagkakaabalahan ni Budoka sa kanyang website, sa Flickr o sa Facebook [en].

Tampok din sa Muro Rebelde ang mga likha [es] ng Paraguayan na si Oz Montanía [en], na nakipagtulungan sa iba pang gumagawa ng graffiti upang makabuo ng natatanging mural para sa manunulat na si Augusto Roa Bastos [en]:

Mural para kay Augusto Roa Bastos. Litrato mula sa http://www.dementesx.com/ (CC BY-NC-SA 3.0)

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.