Mga kwento tungkol sa Argentina
Graffiti at Sining Panglungsod ng Latinong Amerika: Sa Internet at sa mga Lansangan
Buhay na buhay ang paggawa ng mga graffiti at sining panglungsod sa Latinong Amerika. Narito ang maikling sulyap sa mga bagong akda sa mga blog na itinatanghal ang mga litrato at bidyo ng masiglang kilusan ng kontemporaryong sining mula sa iba't ibang panig ng rehiyon.
Arhentina: Batas sa Pagkakakilanlan ng Kasarian, Inaprubahan ng Kongreso
Inaprubahan kamakailan sa kamara ng Arhentina ang batas sa pagkakakilanlan ng kasarian, kung saan pinapayagan ang pagpapalit ng pangalan at kasarian ng katawan nang hindi kinakailangan ng pahintulot ng korte. Magmula noong kumalat ang balita na ipinasa ng senado ang naturang batas, hindi napigilan ng mga tao sa iba't ibang social network ang maglabas ng saloobin.
Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF
Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.
Arhentina: “Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon”
Naglabas ang Educación Viva (Mabuhay ang Edukasyon) ng paunang bidyo na humahamon sa tradisyonal na sistema ng edukasyon, na pinamagatang Hindi Ako Naniniwala sa Paaralan Ngunit Naniniwala Ako sa Edukasyon. Sa bidyo na may kasamang subtitle sa wikang Ingles, binigkas ng higit sa 20 kalalakihan at kababaihan ang tula tungkol sa sistema ng edukasyon at kung paano ito naiiba sa kanilang paniniwala tungkol sa tunay na kahulugan ng pag-abot ng kaalaman.