See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Myanmar: Pagpoprotesta sa Kakapusan ng Koryente, Lumaganap

[Lahat ng link sa akdang ito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad.]

Pangkaraniwan na ang brownout at kakulangan sa koryente tuwing panahon ng tag-init sa bansang Myanmar, subalit tila naging mas malubha ang kalagayan sa taong ito. Mula sa kasalukuyang produksiyon ng mga planta ng enerhiya, natutustusan lamang nito ang anim na oras ng koryente kada araw na pasalit-salit na nararanasan ng mga distrito sa dalawang pinakamalaking siyudad sa bansa. Ipinaliwanag naman ng Pangulo ng Tanggapan ng Supply ng Elektrisidad sa Yangon na ang kakapusan ng koryente ay dahil sa pambobomba sa isang toreng nagdadala ng supply mula sa plantang hidroelektriko sa Shwe Li.

Dahil sa malaking abala na dulot ng mga rotating blackout, naglunsad kamakailan ang mga mamamayan sa Mandalay, sa isang pambihirang pagkakataon, ng isang mapayapang kilos-protesta. Nagsindi ng mga kandila ang mga nagpoprotesta at gumawa ng mga plakard upang ipakita ang kanilang mensahe. Inupload ng pangkat na CJ Myanmar ang mga larawan ng protesta sa Facebook.

Kilos-protesta sa palibot ng Bulwagang Panlungsod ng Yangon. Litrato mula sa Facebook page ng CJMyanmar.

Kilos-protesta sa palibot ng Bulwagang Panlungsod ng Yangon. Litrato mula sa Facebook page ng CJMyanmar.

Paglilinaw naman ni Thant Zin Oo Kse [my], mas malala ang sitwasyon sa lungsod ng Mandalay:

It's not even 6 hours supply and 12 hours shortage, electricity has been supplied only about 6 hours per two days, you can come here if you don't believe it. Even during the scheduled supply period, shortage did occur.

Sa katunayan 6 na oras kada dalawang araw ang supply ng koryente dito, punta ka dito kung ayaw mong maniwala. At kahit sa mga oras na dapat mayroong koryente, nawawalan pa din.

Pabiro namang nagkomento si Nyunt Aung:

We are very rich to have “candle-light Dinner” almost everyday.Thank you.

Napakayaman namin dahil laging may kandila tuwing hapunan bawat araw.

Nagpatuloy ang mga demonstrasyon sa sumunod na araw, at lumaganap ang kilusan sa ibang bayan. Idinitine naman ng Special Branch Police ng Myanmar ang mahigit-kumulang 50 kalahok sa pagtitipon, na karamihan ay mga manunulat, manunula, boluntir, at kasapi ng National League of Democracy ng oposisyon. Pinasinungalingan naman ni Hmuu Zaw, na nagpakilala bilang naglilingkod sa gobyerno at pinaniniwalaang nagmula sa tanggapan ng presidente, ang mga haka-hakang ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapadakip sa mga nagpoprotesta.

Candle Night in Mdy

No order or directive to detain anyone in this situation.
May be , just asking detailed information only, relating to the concern of violence.

Be cool, and be careful the blackmail behind the people.

Gabi ng mga Kandila sa Malanday

Walang utos o direktibang dakpin ang sinuman.
Marahil, para makakalap ng detalye, patungkol sa pangamba ng karahasan.

Hinahon lang, at huwag magpadala sa mga blackmail.

Lahat naman ng mga dinakip at kinuwestiyon ng pulisya ay pinalaya nang walang kaso [my]. Noong ika-22 ng Mayo, 2012, kapansin-pansing may mga pulis na itinalaga sa mismong lugar kung saan idinaos ng mga demonstrador ang pagtitipon matapos ang dalawang araw na protesta, batay sa ulat ng CJ Myanmar.

Dumalo rin ang taumbayan sa pagtitipon sa Sule Pagoda sa Yangon. Kuha ni Maung Kaung ang isang bidyo ng mga kaganapan doon.

Panawagan ng mga konsumer, magbitiw sa puwesto si Zaw Min, ang kasalukuyang ministrong nangangasiwa sa Ministry of Electric Power 1. Ito'y matapos sabihin ng ministro [my] ang tungkol sa masaganang supply ng koryente ng Myanmar at ang pagbebenta nito sa kalapit na mga bansa. Inilabas ni Lay Maung Khin ang kanyang saloobin [my] kasama ang iba pang mga komento sa isinulat na opinyon [my] ni Yeyint Nge.

Dear U (Mr. in Myanmar) Zaw Min, if you cannot perform your duty, resign. If you are not able to be dutiful, you have the responsibility to let others take over your position.

Ginoong Zaw Min, kung hindi mo magagampanan ang iyong trabaho, magbitiw ka na. Kung hindi mo gagampanan ito, responsibilidad mong ipasa ang posisyon mo sa iba.

Umalma naman si Kaba Phyar, at nilagay sa kanyang Facebook status ang sariling opinyon tungkol sa Ministro:

Don't be down-hearted if you can only say rubbish. You can at least be the Minister of Ministry of Electric Power!

Huwag kang panghinaan ng loob kahit basura ang pinagsasabi mo. Gampanan mo ang pagiging pinuno ng Ministeryo!

Nagkomento rin si Kyaw Myo Khine sa Facebook page ng Myanmar Netizens:

Zaw Min has ignored citizens concerns and sold electric power to China. This will not be tolerated and he needs to quit the goverment.

Isinawalang-bahala ni Zaw Min ang mga hinaing ng mga mamamayan at ibinenta ang koryente sa Tsina. Hindi ito katanggap-tanggap at kailangan na niyang magbitiw sa gobyerno.

Ilang indibidwal naman ang galit sa Tsina dahil malaking bahagi ng elektrisidad na nililikha ng mga plantang hidroelektriko sa Myanmar ay iniluluwas papuntang Tsina. Pinuna ni Sai Kaung Satt Thar na hindi kapani-paniwala ang sinasabing pagkasira ng tore bilang dahilan ng kakapusan ng koryente:

The reason and action are too contradictory. 70% of electricity supplied to Yangon is from Law Pi Ta and Ye Ywar hydro-powered stations, those from Shwe Li station go to China, why there should be a shortage of electricity in Yangon? Go and cut China's power!

Ang rason at ang mga sumunod na hakbang ay kabalintunaan. 70% ng koryente sa Yangon ay mula sa mga plantang hidroelektriko sa Law Pi Ta at Ye Ywar, at ang nanggaling sa estasyon sa Shwe Li ay mapupunta sa Tsina, kaya bakit kulang ang koryente sa Yangon? Ba't ‘di na lang putulan ng koryente ang Tsina!

Inilabas naman ni Aung Myo ang kanyang himutok sa bansang Tsina sa website ng CJ Myanmar:

Don't do anything. It's all empty since China took all electricity supply.

Huwag na tayong kumilos. Wala na ‘yan dahil kinuha na ng Tsina ang lahat ng supply ng koryente.

Tila hindi sa Yangon nagtapos ang pangangalampag ng kilusan. Lumaganap sa mga bayan ng Monywa, Pyi, at Bago ang katulad na pagkilos, kung saan nararanasan din ang mga rotating brownout. May ilang taga-Myanmar na pinalitan ang mga litrato sa profile picture at timeline cover sa internet, na pinapakita ang mga nakasinding kandila sa madilim na kapaligiran, bilang pagsuporta sa mga kilos-protesta.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.