Tsina: Papaunlad at Lumalaki Subalit Nakakulong

Kalahating taon na ang nakalipas magmula nang sinabi ni Hillary Clinton, kalihim ng Kagawaran ng Estado ng bansang Estados Unidos, na ang Asya ang panibagong pokus ng mga patakarang panlabas ng kanyang bansa sa larangan ng diplomasya, ekonomiya, at stratehiya [en]. Dahil dito, masusubukan ang katatagan [en] ng buong rehiyon, ayon na rin sa magiging kahihinatnan ng ugnayang Tsina-Amerika pagdating sa usaping geopolitical [en].

Para naman sa Tsina, katunog lang ito sa sabwatang pagpapalibot sa Tsina o ang encirclement conspiracy na tinatawag [en], bagay na pinuna ni Zheng Yongnian, [en] tagapangasiwa ng Suriang Silangang Asya sa Pamantasang Pambansa ng Singapore, sa kanyang blog noong isang taon [zh] na naglalaman ng sipi mula sa kanyang pinakabagong aklat [zh], “The Road to Great Power: China and the Reshaping of World Order,” (通往大国之路:中国与世界秩序的重塑) na inilathala noong 2011:

中国的地缘政治非常特殊。中国周边有21个国家(与中国陆地相邻的国家有15个,同中国隔海相望的国家有6个)。从上往下,有朝鲜、日本,接下来是东南亚国家,再下来是印度、缅甸。中国是世界上唯一被核武器包围的国家。中国有安全感吗?如果墨西哥、加拿大要发展核武器,美国拼了老命也不会让它们发展。

Maselan at katangi-katangi ang kalagayang pampulitika ng Tsina dahil sa heograpiya nito, dahil pinapalibutan ito ng 21 bansa (15 na katabi sa lupa, 6 na pinaghihiwalay ng dagat). Mula hilaga papuntang timog, nariyan ang Hilagang Korea, bansang Hapon, mga bansa sa Timog-Silangang Asya, Indiya, at Myanmar. Tanging Tsina lamang ang bansang napapalibutan ng sandatang nukleyar. Dapat bang maging kampante ang Tsina? Kung sakaling mapagpasiyahan ng Mehiko at Canada na lumikha ng armas nukleyar, siguradong gagawin ng Estados Unidos ang lahat upang pigilin ang mga ito.
Mga pag-aangking teritoryo sa Dagat Timog Tsina. Litrato mula sa Wikipedia

Mga pag-aangking teritoryo sa Dagat Timog Tsina. Litrato mula sa Wikipedia

中国没有国际空间,拿海权来说,中国有海权吗?没有。往东,走不出去,有美、日、澳大利亚、新西兰等国挡着,往印度洋,有印度。印度的唯一假想敌是中国。现在唯一剩下的是南海,但美国等国都对南海感兴趣,如果那里被堵住,中国一点出海口都没有。中国连航空母舰都没有,怎么去投送兵力?怎么去履行国际责任?更不用说国际领导权。

Wala rin namang teritoryo sa ibayong dagat ang Tsina. May sapat na kapangyarihan ba ito sa dagat? Wala. Wala itong mapupuntahan sa bandang silangan, dahil nakaharang ang Estados Unidos, bansang Hapon, Australya, New Zealand at iba pang bansa. Sa bandang Karagatang Indiyano naman, nariyan ang bansang Indiya. Tinuturing ng Indiya ang Tsina bilang katunggali. Natitira na lamang, kung gayon, ang Dagat Timog Tsina [en], kung saan may malaking interes ang Estados Unidos at iba pang bansa. Sa sandaling mahahadlangan ang Tsina dito, mawawalan ito ng sapat na daluyang pandagat papunta sa mga karagatan. Wala din itong aircraft carrier ni isa, kaya't papaano naman nito ipapadala sa ibang bansa ang sariling sandatahang lakas? Kung gayon, paano magagampanan ng bansang Tsina ang obligasyon nito sa pandaigdigang usapin, bukod sa pagsulong ng pandaigdigang interes na inaasahan ng karamihan mula sa kanya?

Dagdag pa ni Sara K. [en]:

If China really wants to prevent the perpetuation of the “China Threat Theory”, they should stop pointing so many missiles at Taiwan – and if the PLA had access to Taiwan, it would be much easier for them to attack Japan. If you point weapons at people, you are going to look like a threat.

Kung talagang gusto nitong pasinungalingan ang “Teoryang Isang Malaking Banta ang Tsina”, tigilan na nila ang pagtutok ng napakaraming missile sa Taiwan – sapagkat mas madaling masasalakay ng PLA [People's Liberation Army] ang bansang Hapon sa oras na makapasok ito sa Taiwan. Magmumukha talaga itong malaking banta kung palagi nitong itututok ang kanilang armas sa ibang tao.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.