See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Iran: $500,000 Napulot ng Magwawalis, Isinauli

Kaliwa't kanan ang mga balita sa mga pahayagan ng bansang Iran tungkol sa mga insidente ng pangungurakot na nagkakahalaga ng milyun-milyon. Sa katunayan, kasalukuyang pinag-uusapan ang tungkol sa pinakamalaking pandaraya sa Iran [en] hinggil sa pananalapi ng mga bangko, kung saan sangkot ‘di umano ang mga taong may kaugnayan sa pamahalaan.

Kaya't isang napakagandang balita ang kumalat sa loob at labas ng Iran: isang payak na magwawalis ng lansangan na si Ahmad Rabani mula sa bayan ng Bojnourd [en], 700 kilometro ang layo mula Tehran, ang nakakita ng salaping aabot sa 1 bilyong Toman (halos 570,000 dolyar US) at agad isinauli sa may-ari.

Bilang pabuya, nakatanggap siya ng 200,000 Toman (120 dolyar US).

Pinuri ng Iranian blogger na si Unirani ang magwawalis at ginawang ehemplo ang kabutihan nito sa mga opisyales ng gobyernong Islamiko na sangkot sa pangungurakot. Ayon sa kanya [fa]:

… a man from the working class and a member of the municipality found 1 billion Toman in a bag and returned it to its owner. We realise the worthiness of his actions when we learn he lived in poverty because of dire economic situation in country. Naturally he could have kept the money, resigned from his job, and become one of these millionaires. But he did not do it. Let that be a lesson to those thieves and corrupt people who steal everything in the country and with their impure policies that create endless economic difficulties.

… isang tao mula sa hanay ng mga obrero sa isang maliit na bayan ang nakahanap ng 1 bilyong Toman sa isang bag at isinauli ito sa may-ari. Hindi matatawaran ang kanyang naging pagpapasya, lalo na't nalaman natin ang kanyang mahirap na kalagayan dahil sa sitwasyong pang-ekonomiya ng bansa. Kung tutuusin, maari niyang itago ang pera, itigil ang pagtatrabaho, at mamuhay bilang milyonaryo. Ngunit hindi niya ito ginawa. Maging leksyon sana ito sa mga mandurukot at kurakot na kinamkam ang kaban ng bayan, pati na ang kanilang mga polisiya na nagdulot ng walang katapusang paghihirap ng ating ekonomiya.

Dagdag pa ng blogger na si Pesarirouni [fa]:

Dignity still exists… in a time when a brother has no mercy for a brother… I was born in a working class family and I can sympathise with all the difficulties these people face… I praise his dignity, and think he should get a medal of honor for his actions.

Hindi pa rin tuluyang nawala ang pagiging marangal… sa panahong nagpapatayan ang magkakapatid… ipinanganak ako sa lahing obrero at nakikiramay ako sa araw-araw na paghihirap ng mga taong ito… pinupuri ko ang kanyang dignidad, at sa tingin ko nararapat siyang bigyang ng medalya dahil sa kanyang inasal.

Sa palagay naman ni del2del [fa], maraming tukso ang nilabanan at nalampasan ni Rabani upang maisauli lamang ang pera, dahil katumbas nito ang humigit kumulang na 166 taon ng kabuuang sahod ng isang magwawalis.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.