Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon

Naging maugong na balita [en] ang planong pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar [en], isa sa mga pinakamalalaking grupo ng mga negosyo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng ‘siyudad panturismo’, isang proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may layong 50 kilometro mula sa kabisera ng Bangladesh, ang lungsod ng Dhaka.

Bagamat itinuturing itong malaking pamumuhunan para sa bansa, maraming blogger na taga-Bangladesh ang bumabatikos sa panukala. Sa blog.bdnews24.com, ipinahayag ni Armanuzzaman [bn] ang kanyang pananaw:

বাংলাদেশে কোন বৈদেশিক বিনিয়োগ নিঃসন্দেহে চমৎকার ব্যাপার। কিন্তু মজার বিষয় হল আবাসন প্রকল্পে বিনিয়োগ কতটা জরুরী। বাংলাদেশের মত ছোট দেশে অসংখ্য দেশী কোম্পানী আবাসন প্রকল্পে বিনিয়োগ করছে।

সবচেয়ে গুরুত্বপূর্ণ যে বিষয়টি এই খাতে বিনিয়োগে প্রডাক্টিভ কিছুই নেই। আবাসন প্রকল্প তৈরী করে পরবর্তীতে তা বিক্রি করে প্রচুর পরিমানে বৈদেশিক মুদ্রা নিয়ে যাবেন।

Dapat lamang ikatuwa ang mga dayuhang pamumuhunan sa Bangladesh, ngunit ang mahalagang punto sa panukalang ito ay kung magiging kapaki-pakinabang ba ang mga proyektong pabahay. Sa isang maliit na bansa gaya ng Bangladesh, umaapaw na ang bilang ng mga lokal na namumuhunan sa industriya ng pabahay!

Sa totoo lang, ang ganitong uri ng pamumuhunan ay hindi kapaki-pakinabang para sa bansa (ngunit madali itong mapagkakakitaan). Magpapatayo ng pabahay ang mga negosyante, ibebenta ng mas mahal, at iuuwi sa kanilang bansa ang malaking kita.

Logo ng kompanyang Sahara Matribhumi Unnayan Corp Ltd.

Hindi naman itinago ng prominenteng blogger na si Arif Jebtik [bn] ang kanyang pag-aalinlangan tungkol sa proyekto at sa pagkakatalaga ng anak ng isang maimpluwensiyang miyembro ng parliyamento bilang CEO ng pinakabagong sangay ng Grupong Sahara sa Bangladesh – ang kompanyang Sahara Matribhumi Unnayan Corporation Limited. Ito ang kanyang hinuha sa sariling blog:

আজকে সাহারা গ্রুপের প্রধান ব্যক্তি সুব্রত রায় সাহারা হোটেল রূপসী বাংলায় তার বাংলাদেশী কোম্পানির শুভ উদ্বোধন করেছেন। বাংলাদেশে তার ব্যবসায়িক স্বার্থ দেখবেন শেখ সেলিমের সুযোগ্য পুত্র শেখ ফাহিম। এই নিয়োগ আবার আড়ম্বরের সঙ্গে হয়েছে, অনুষ্ঠানে বিজনেস কার্ড তুলে দেয়া হয়েছে ফাহিমের হাতে। এ থেকে বুঝা যাচ্ছে যে এদেশে সাহারা গ্রুপের গতি শুধু চলা শুরু করবে না, রীতিমতো দৌঁড়াবে।

Ngayong araw, pinasinayaan ng tagapangasiwa ng Grupong Sahara ang pinakabagong sangay nito sa bansang Bangladesh [en] sa Hotel Ruposhi Bangla. Ang naturang kompanya ay pangangasiwaan ni Shaikh Fahim, ang anak ni Sheikh Selim (lider ng namumunong partido at isang MP). Isinagawa ang pagtatalaga sa isang gala, kasabay ng pagkakaloob kay Fahim ng kapangyarihan dito. Ibig sabihin hindi lamang paglalakad ang gagawin ng Grupong Sahara sa Bangladesh, kundi siguradong tatakbo ang makinarya nito ng matulin.

Sa ibang balita opisyal na pinondohan ng Grupong Sahara ang Cricket Team ng Bangladesh [en] matapos ialok ang $9.4 milyon sa loob ng apat na taon.

Tinukoy ni Arif na may ilang bahagi ng ilog ang tatabunan ng lupa upang masimulan ang proyekto ng Sahara. Ngunit ang mas malaking pangamba ay ang epekto sa kalikasan ng pagdagsa ng mga turista sa itatayong siyudad, lalo na't malapit ang lokasyon nito sa mga pinapangalagaang bakawan ng Sundarbans [en]. Sa kanyang blog binanggit niya ang naging pahayag ng pangulo ng Grupong Sahara tungkol sa isyu:

বেশিরভাগ পরিবেশবাদী শুধু শুধুই ঝামেলা করেন, তারা সমাধান দেন না। শুধু ঝগড়া করেন। তাই সুন্দরবনে পর্যটন সিটিতে তারা বাধা দিলেও সমস্যা হবে না। কারণ তারা অনেকেই তো দোকান খুলে বসে আছেন।

Karamihan sa mga aktibistang para sa kalikasan, nais itong pigilan ng walang dahilan, at wala din naman silang inaalok na solusyon. Wala namang masama sa kanilang pagpoprotesta laban sa pagpapatayo ng siyudad panturismo malapit sa Sundarbans. Ang ilan pa sa kanila, may balak magpatayo ng tindahan doon.

Nagkomento naman ang blogger na si Lenin Rahman [bn] sa artikulo ni Arif, at tinukoy ang pagbagsak ng industriya ng pabahay sa pandaigdigang resesyon. Ayon sa kanya:

বর্তমান পৃথিবীতে অর্থনীতিতে সারবত্তাহীন জিডিপি বৃদ্ধির সবচেয়ে সহজ উপায় হলো আবাসন সেক্টরে ইনভেস্টমেন্ট। কিছু কিছু খাবারকে যেমন Empty calorie বলা হয় যেগুলো খেলে ক্যালরি ইনটেকই হয় শুধু কিন্তু কোন পুষ্টিগুন যোগ হয় না। আবাসন সেক্টরে ব্যাপক ইনভেস্টমেন্টে অনেক চাকরী তৈরী হয়, অনেক টাকার আদান-প্রদান ঘটে কিন্তু দেশের অর্থনৈতিক স্বাস্থ্যের কোনো উন্নতি হয় না। একসময় চাহিদা কমা শুরু হলে বেলুন ফেটে পুরো দেশকে দশ বছরের জন্যে কাহিল করে ফেলা। আজকে ৪-৫ বছর ধরে আমেরিকা-ইউরোপের অর্থনীতি রুগ্ন হয়ে আছে কেবল আবাসন সেক্টরের বেলুন ফাটার জন্যেই।

Ang pinakamadaling paraan upang maiangat ang GDP nang walang naitutulong sa ekonomiya ay ang pamumuhunan sa sektor ng pabahay. Gaya ng ilang pagkain na puro calories lang dahil wala naman itong naitutulong sa nutrisyon, siya ring nangyayari sa sektor ng pabahay: maraming trabaho ang malilikha, malaking halaga ng pera ang iikot (isang housing bubble), ngunit walang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa ang mangyayari. Kapag humina ang demand, puputok ang housing bubble (babagsak ang negosyo) at malalagay sa alanganin ang buong bansa sa loob ng 10 taon. Sa nakalipas na apat hanggang limang taon, ganito ang nangyari sa Estados Unidos at Europa dahil na rin sa pagbagsak ng sektor ng pabahay doon.

May ilang opinyon naman ang pabor sa panukala, bagamat nabibilang lamang ang mga ito. Isang netizen ang nagbigay-puna sa artikulo ni Armanuzzaman [bn]. Aniya, makakabuti ang kompetisyon na makikipagsabayan sa mga lokal na kompanya:

আপনার কি আমাদের দেশীয় প্রতিষ্ঠান গুলোর সার্ভিস সম্পর্কে সামান্যতম ধারনা আছে । প্লট কেনার কত বৎসর/যুগ পরে প্লট দেওয়ার নিয়ম ৷ দেশের টাকা বিদেশে চলে যাবে এই যুক্তি দিয়ে আমাদের দেশীয় প্রতিষ্ঠান গুলোকে শোষন করার একচেটিয়া অধিকার দেওয়া কি ঠিক ? সত্যি করে বলতে গেলে আমাদের অতি লোভী ব্যবসায়ীরাই আমাদের খাদ্য,ফলমুল,শিক্ষা,চিকিৎসা সহ যাবতীয় ক্ষেত্র সমুহ নষ্ট করেছে ৷ তাই আমাদের বোধ করি উচিৎ নয় দেশীয় শোষক প্রতিষ্ঠান গুলোর পক্ষে যায় এমন কিছু করা৷

May ideya ba kayo sa kalidad ng serbisyo ng ibang kompanyang lokal? May batas bang nagsasaad kung kailan ibibigay ang lupang binabayaran ng ilang taon? Dahil bang takot tayong ibigay ang kita sa ibang bansa, dapat bang hayaan natin ang mga kompanyang lokal? Ang totoo, sinasamantala ng mga negosyanteng gahaman ang mga produktong pagkain, serbisyong pang-edukasyon, pangkalusugan, at iba pang sektor para sa mas malaking kita. Hindi tayo dapat sumasang-ayon sa mga bagay na papakinabangan ng mga nang-aabuso.

Marahil nag-ugat ang mga pagdududa ng mga mamamayan sa mga problemang hindi pa nareresolba sa pagitan ng mga bansa (halimbawa 1, 2, at 3 [en]). Panahon lang ang makakapagsabi kung makakabuti o makakasama para sa Bangladesh ang nasabing proyekto.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.