Ika-15 ng Setyembre 2012 nang magpamudmod ng libreng salapi ang mga kalahok ng “Araw ng Libreng Pera” sa mga lansangan sa 24 na bansa [en] , bilang panawagan na gawing magkatuwang ang mga ekonomiya ng mundo. Ang pagkilos na tinatawag na “Free Money Day” [en] ay inisiyatibo ng grupong PostGrowth [en], isang pandaigdigang pangkat na naglalayon na ipalaganap ang pandaigdigang kasaganaan sa halip na pag-unlad na pangpinansiyal lamang.
Narito ang bidyo ng Free Money Day noong taong 2011: