See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF

Dinagsa ang blogosphere ng samu't saring reaksyon, maging pabor o tutol man, matapos inanunsyo ang pagbili ng gobyerno ng Arhentina sa kompanya ng langis na YPF [en], na kontrolado ng kompanyang Repsol [en] ng Espanya, kung saan malilipat sa pamahalaan ang 51% ng kabuuang kompanya. Gaya ng ibang isyu sa bansang Arhentina, hati ang mga opinyon sa pagitan ng pabor at tutol sa liderato ni Cristina Fernandez de Kirchner [en].

Sa website na ArtePolítica [es][patay na link], isang blog na konektado sa partido ni Kirchner, sinabi ng awtor na si Sebastian na “matagal nang kahihiyan ang Repsol-YPF” at dinagdag na,

El modelo Petrobras parece a priori el más adecuado: capital mixto y parte en la bolsa, gestión muy profesionalizada, y control accionario mayoritario por parte del estado nacional y de las provincias petroleras.

Marahil pinaka-akmang modelo ang Petrobras [en] [isang korporasyon ng enerhiya na bahagyang pagmamay-ari ng gobyerno ng Brasil]: magkasamang pinapatakbo at bahagi nito ay nasa pamilihang sapi, napakapropesyonal ng pangangasiwa, at ang malaking bahagi nito ay kontrolado ng pamahalaang pambansa at ng mga probinsiyang pinagkukunan ng langis.

Sa website na IndiePolitik [es] makikita ang isang listahan ng mga piling sipi na ipinahayag ng mga pulitiko at kolumnista ng dyaryo na tutol sa panukala, bagamat kabalintunaan ang paraan ng pagkakasulat dito:

¿Qué dudas caben de que la expropiación de YPF es una medida, además de histórica, correcta, si los que se oponen son el FMI, Macri, Carrió, La Nación, la UCR dependiente, De Narváez y Clarín?.

Ano pa ba ang maaring agam-agam sa makatwiran at makasaysayang pagkamkam ng YPF kung salungat ito sa IMF, Macri, Carrio, La Nación [isang pahayagan], mga kasapi ng UCR, De Narváez at Clarin?.

Inipon ng blog na Agenda Digital [es], mula sa ahensiyang Telam na pambansang pambalitaang tanggapan, ang mga usapin sa Twitter tungkol sa nasabing balita.

Tinalakay naman sa website na Saber Leyes no es Saber Derecho [es] ang ilan sa magiging kahihinatnan ng gagawin ng gobyerno, partikular na ang tungkol sa legal na aspeto ng panukalang batas [en] na isinumite ng Pangulo sa Kongreso at pinagtatalunan pa sa ngayon.

Litrato mula kay Christian Córdova sa Flickr (CC BY 2.0)

Pinansin naman ng website na Economía Posible [es] na malaki ang ibinaba sa produksyon ng kompanya sa loob ng pamumuno ni Kirchner, at kasunod na tinanong kung “‘sasagipin ba tayo’ ngayon ng mga taong responsable sa mga polisiya sa enerhiya sa nakalipas na siyam na taon.”

Sa mga blog na tinukoy ng Union Civica Radical [en] [Radikal na Unyong Pansibiko], isa sa mga pinakamatandang partido sa bansang Arhentina at nagsisilbing oposisyon sa ngayon, kabilang ang sinulat ni Hernán Haynes [es] na taliwas daw sa Saligang Batas ng Arhentina ang pagbili ng pamahalaan sa YPF.

Pinuna din ni Eduardo Soler sa website na Comunicación Ambiental [es] kung bakit hindi binanggit ang malinis na uri ng enerhiya sa ginawang anunsyo ng pamahalaan bagamat binanggit naman ang tungkol sa “kakaibang uri ng langis”, na nangangailangan ng mas komplikadong pamamaraan ng pagkuha.

Bilang pagtanaw sa maaaring epekto nito sa labas ng Arhentina, sinuring mabuti ng Vaca.org [es] ang naturang panukala sa konteksto ng pagbabago ng sistema sa pandaigdigang ekonomiya dulot ng pagbangon ng Tsina at mga papaunlad na bansa.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.