See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Pilipinas: Demolisyon sa Mahirap na Pamayanan sa Siyudad, Umani ng Batikos

[Lahat ng link na nakapaloob dito ay magdadala sa iyo sa mga pahinang nasa wikang Ingles, maliban na lamang kung may nakasaad].

Isang lalaki ang kumpirmadong nasawi at dose-dosena ang nasugatan matapos magpaputok ng baril ang mga pulis sa Silverio Compound sa siyudad ng Paranaque sa gitna ng mga residenteng nagpoprotesta laban sa demolisyon ng mga kabahayan doon.
 

Isang binatang residente ang nakabulagta sa kalsada matapos ang demolisyon. Litrato mula sa Tudla


 
May 28,000 mahihirap na pamilya ang naninirahan sa Silverio Compound. Ayon sa mga residente doon, may 4 kataong namatay sa insidente. Sumiklab naman sa internet ang galit ng mga tao dahil sa nangyaring karahasan.

Pagmamay-ari umano ng kompanyang SM Development Corporation (SMDC) ng bilyonaryong si Henry Sy ang lupaing may sukat na 9.7 ektarya, na balak nitong pagpatayuan ng mga kondominyum at pamilihan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa kontrobersya ang SM shopping mall ni Henry Sy. Naunang binatikos ang SMDC dahil sa pagputol nito ng mga pine tree upang palawakin ang isa sa mga mall nito.
 

Naghahandang magbarikada ang mga residente sa Silverio Compund. Litrato mula sa Tudla


 
Kinumpirma naman ng pulisya ang namatay na binata na si Arnel Leonor, 21 taong gulang. Ayon naman sa ilang residente, kasamang nasawi sa pamamaril ng mga pulis sila Bodging Isaias, 16 taong gulang, Rodman Ortega, 16 taong gulang at Raymond Aquino, 36 taong gulang.

Kinuwento naman ng batang aktibista at blogger na si Vencer Crisostomo ang detalyadong salaysay tungkol sa madugong insidente:

News video footages and documentation by citizen media groups showed members of the Special Weapons and Tactics (SWAT) armed with M16 rifles firing indiscriminately as they dipersed residents who formed a human barricade to try to stop police and demolition teams. Also shown were scores being arrested, bloodied and beaten up even as they were already in the custody of the police.

After several rounds of volley gunfire, Arnel Leonor Tolentino, 21 was confirmed dead by gunshot on the head and several others also shot in vital areas are in critical condition. Not a few residents have gunshot wounds in their arms and legs, some as young as 15-16 years old.

Kitang-kita sa mga bidyong kinunan ng mga news crew at mga grupo sa citizen media na walang habas na nagpaputok ang pangkat ng Special Weapons and Tactics (SWAT) gamit ang kanilang mga baril na M16 sa mga residenteng nagbarikada upang pigilan ang mga pulis at magdedemolish sa lugar. Mapapanood din ang dose-dosenang inaresto, duguan, at binugbog habang nasa kustodiya ng mga pulis.

Matapos ang pagpapaulan ng mga bala, kinumpirmang patay si Arnel Leonor Tolentino, 21 taong gulang, dahil sa tama sa ulo, samantalang tinamaan naman ang ilan sa maseselang bahagi at nasa kritikal na kalagayan sa ngayon. Marami naman ang nagtamo ng mga sugat sa braso at binti mula sa pagpapaputok, ilan sa kanila ay may edad 15-16.

Pinasinungalingan naman ng SMDC na wala itong kaugnayan sa nangyaring karahasan sa nasabing demolisyon. Subalit ayon sa mga opisyal na papeles mula sa gobyerno na pinakita ng mga residente doon, kasabwat ang kompanya bilang “housing development partner.”

Sumang-ayon naman ang alkalde ng Parañaque na si Florencio Bernabe sa balitang magtatayo ang pamahalaang lokal ng mga komersyal na gusali. May balak din itong magpatayo ng proyektong pabahay na may katamtamang-taas, ngunit maliit na parte lang ito ng kabuuang lote ayon sa pinakitang master plan ng proyekto.

Inihalintulad naman ng blog na Like a Rolling Stone ang marahas na demolisyon sa nangyaring masaker sa Hacienda Luisita noong taong 2004 kung saan pinagbabaril ng militar at pulisya ang mga nagwewelgang mambubukid.

I feared that a whitewash would take place given the statements of the Mayor. In the Luisita massacre, the authorities claimed that farmers were armed, that violence started from the ranks of the farmers and that the farmers were infiltrated by “outsiders” who were agitating them.

The same storyline is now being repeated by the authorities even before an investigation into the incident has taken place. Authorities are saying that residents were armed too, that they started the violence and that they were infiltrated by “outsiders”. The idea here is simple. Blame the victims and problem goes away.

Kinakatakot ko ang maaaring panlilinlang kasabay ng mga salitang binitawan ng Alkalde. Noong masaker sa Luisita, iniulat ng mga opisyales na may dalang armas ang mga mambubukid, at nagsimula ang kaguluhan mula sa hanay ng mga magsasaka, at inudyok sila ng mga “tagalabas” na nakisali sa kanilang pangkat.

Ganito din ang kwento ng mga otoridad ngayon, bago pa man sinimulan ang imbestigasyon sa naturang insidente. Sinasabi ng ilang opisyales na armado ang mga residente doon, at sila ang nagpasimuno, at may ilang “tagalabas” na umanib sa kanilang pangkat. Simple lang ang pinapalabas nila. Sisihin ang mga biktima at mawawala ang mga problema.

Naniniwala naman ang manunulat ng citizen media na si Kenneth Roland Guda [fil] na dapat managot ang pamahalaang Noynoy Aquino sa masaker sa Silverio Compound.

Hindi lamang usapin ito ng command responsibility. May direktang pananagutan ang administrasyong Aquino sa paggamit ng dahas sa mga sibilyang tumututol sa demolisyon. Kinalinga ng administrasyong ito ang patuloy na pagsasanay at pag-aarmas sa malulupit at brutal na mga yunit ng militar at pulisya na may masasamang rekord ng paglabag sa karapatang pantao.

Nagpalabas sa internet ng opisyal na pahayag at panawagan ang mga naninirahan sa Silverio Compound, Paranaque.

The policemen are supposed to serve and protect the people but why send more than 300 policemen and demolition teams to destroy our ranks and the whole community and kill us?

We strongly oppose the massive demolition of our community. The demolition of our public market is only part of the continued plan to demolish the whole 9.7 hectares of Silverio Compound to give way to the business center of Henry Sy and to wipe out all small vendors in favour of the HYPERMARKET of the Sy family.

Hindi ba dapat pinapangalagaan at pinagsisilbihan ng mga pulis ang kapakanan ng taumbayan? Kung gayon, bakit higit sa 300 pulis at kasapi ng demolisyon ang ipinadala dito upang sirain ang aming komunidad at patayin kami?

Mariin naming tinututulan ang malawakang demolisyon sa aming pamayanan. Ang pagsira sa aming pamilihan dito ay bahagi lamang ng patuloy na binabalak na pag-demolish sa buong 9.7 ektarya ng Silverio Compound upang bigyang daan ang gusaling pang-negosyo ni Henry Sy, at paalisin ang mga maliliit na tindahan upang ipalit ang HYPERMARKET ng pamilyang Sy.

Hinimok naman ng blog na A Radical's Nut ang taumbayan na magbigay suporta sa panawagang “lumaban para sa karapatang mabuhay.”

While the residents of Silverio Compound remain undaunted by oppression and brutality, they need all the support that they can muster to ensure that justice will be served. At the same time, they also need assistance – medical, legal, etc. – to help them cope with the tragedy inflicted on them by institutions that are supposed to uphold their rights and promote their interests.

Bagamat hindi nagpapatinag ang mga residente ng Silverio Compound sa pang-aapi at kalupitan, kailangan nila ang lahat ng suporta upang makamit ang hustisya. Dagdag dito, nangangailan sila ng tulong – medikal, ligal, at iba pa — upang makabangon muli sila mula sa trahedyang dulot ng mga ahensiyang magtatanggol sana ng kanilang karapatan at mangangasiwa sa kanilang kapakanan.

Ilang reaksyon mula sa Twitter:

@ellacolmenares: SM: Silverio Massacre http://fb.me/1AJQ26eas

@Ralpipay: @piabisikleta Re-watched the footage of Silverio massacre and Red some articles eto ba ang tinatawag nating #PinoyPride #ItsMoreFuninPH

@mobilemaui: Massacre: “To kill people in numbers, especially brutally and indiscriminately” Yun ang ginawa sa #Silverio compound. #justice

@YourConnoisseur: OMG! Silverio compound massacre! And it happened under the administration of #PNoy.

@jaellao: Today was a bloody hell day for residents of Silverio Compound. It's also the 29th month since the Ampatuan Massacre.

@ellacolmenares: SM: Masaker sa Silverio http://fb.me/1AJQ26eas

@Ralpipay: @piabisikleta Pinanood muli ang kuha sa masaker sa Silverio at binasa ang ilang artikulo eto ba ang tinatawag nating #PinoyPride #ItsMoreFuninPH

@mobilemaui: Masaker: “Pumatay ng maraming tao, sa paraang marahas at walang pinipili” Yun ang ginawa sa #Silverio compound. #justice

@YourConnoisseur: OMG! Masaker sa Silverio compound! At nangyari ‘yan sa administrasyong #PNoy.

@jaellao: Ang araw na ito ay isang madugong araw para sa mga naninirahan sa Silverio Compound. Ngayon din ang ika-29 buwan magmula noong Masaker ng mga Ampatuan.

Narito naman ang isang bidyo dokyumentaryo sa ginawang barikada ng mga residente at ang madugong salpukan:
 

 

Mga litrato at bidyo mula sa Tudla Productions. Protektado ang ilang karapatan sa paglalathala.

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.