Mga kwento tungkol sa International Relations
Mga Bansang Arabo: Pagpaslang sa Embahador ng US sa Benghazi, Kinundena
Ikinagalit ng mga Arabong netizens ang duwag na pag-atake sa Konsulado ng Estados Unidos sa Benghazi, Libya. Apat na dayuhang Amerikano, kabilang na ang Embahador na si Christopher Stevens, ang pinatay nang pinapaputukan sila ng mga militante ng isang missile, habang inililikas ang dayuhang grupo sa mas ligtas na lugar, matapos paligiran ang gusali ng kanilang konsulado.
UK: Bandila ng Taiwan, Naglaho sa mga Nakasabit sa Lansangan para sa London Olympics
Ipinagtaka ng mga Taiwanese kung saan nga ba nagpunta ang kanilang pambansang bandila, matapos itong mawala sa hilera ng mga watawat sa Kalye Regent ng London. Naiwan namang nakasabit ang iba pang mga bandila upang salubungin ang mga delegado mula sa iba't ibang bahagi ng mundo para sa Olympics.
Bangladesh: Ipapagawang ‘Siyudad Panturismo’ ng Taga-Indiya, Kinukwestiyon
Naging pangunahing balita kamakailan ang pamumuhunan ng mga dayuhan sa bansang Bangladesh na nagkakahalaga ng 10 bilyong taka (US$120 milyon), matapos bumisita sa lugar si Subrata Roy Sahara, ang tagapangasiwa ng Sahara India Pariwar, isa sa mga pinakamalalaking negosyanteng grupo mula sa bansang Indiya. Balak ng grupo na magpatayo ng proyektong pabahay na may lawak na 40 kilometro kwadrado at may 50 kilometro ang layo mula sa Dhaka, kabisera ng Bangladesh.
Pilipinas, Tsina: Alitan sa Scarborough Shoal, Pinag-uusapan sa Internet
Umigting ang tensyon sa mga nakalipas na buwan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina nang magpalitan ang dalawang pamahalaan ng mga paratang tungkol sa iligal na panghihimasok ng isa't isa sa mga yamang dagat sa paligid ng pinag-aagawang Scarborough Shoal. Umusbong ang damdaming makabayan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at lalong tumindi sa internet ang sagutan ng magkabilang kampo.
Panukalang Unyon ng mga Bansa sa Golpo, Sinalubong ng mga Alinlangan
Maugong ang balita tungkol sa panukalang palitan ang kasalukuyang GCC o ang Konsehong Pangkooperasyon para sa mga Golpong Estadong Arabo, at gawin itong unyon na gaya ng EU. Ito ay sa gitna ng tensyon at kawalang-katiyakan matapos ang Himagsikang Arabyano at ang lumalawak na impluwensiya ng Iran. Bilang panimulang hakbang, pinag-uusapan ngayon ang pakikipag-anib ng Saudi Arabia sa Bahrain.
Tsina: Mamamahayag ng Al Jazeera Sa Beijing, Pinalayas
Sa unang pagkakataon magmula noong 1998, isang lisensyadong dayuhang mamamahayag ang pinaalis ng Tsina ng gobyerno nito. Si Melissa Chan ay lubos na ginagalang ng kanyang mga katrabaho, at ang pagpapatalsik sa kanya ay umani ng samu't saring reaksyon pati na sa mga microblog.
Tsina, Pilipinas: Tensyon sa Pag-angkin sa Scarborough Shoal, Tumitindi
Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-aagawang Scarborough Shoal o Huangyan Island sa pagitan ng Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng pamahalaang Tsina na hindi na nito papayagan ang panghihimasok ng mga barkong pandagat ng Pilipinas sa Dagat Timog Tsina.
Tsina: Papaunlad at Lumalaki Subalit Nakakulong
Nakapalibot sa bansang Tsina ang 85% ng lahat ng political hotspot sa buong mundo, ayon sa isang tanyag na propesor, at kailangan nitong maging malaya upang mabigyang tugon ang mga hamong pampulitika sanhi ng katangi-tanging heograpiya nito, simula sa mga dagat na katabi nito.
Dahil sa Paratang ng Pangmomolestiya sa mga Bata, Diplomatikong Iranian Umalis ng Brazil
Inakusahan ang isang Iranian diplomat na nakabase sa bayan ng Brasilia, kabisera ng bansang Brazil, sa salang pangmomolestiya ng mga babaeng menor-de-edad sa isang palanguyan noong ika-14 ng Abril, 2012. Bagamat pinasinungalingan ng embahada ng Iran ang naturang paratang, at sinabing nangyari ang lahat dahil sa "hindi-pagkakaunawaan ng magkaibang kultura", hindi napigilan ng mga netizen sa Iran at Brazil na paulanan ng batikos ang insidente.
Arhentina: Pinuna ng mga Blogger ang Anunsyong Pagbili ng Pamahalaan sa Kompanyang YPF
Umani ng iba't ibang reaksyon sa blogosphere ng bansang Arhentina ang panukalang pagbili ng pamahalaan nito sa kompanya ng langis na YPF, na kontrolado ng kompanyang Repsol ng bansang Espanya, kung saang mapapasakamay ng gobyerno ang 51% ng buong kompanya. Ibinahagi ni Jorge Gobbi ang ilan sa mga opinyong ito, na kasalukuyang nahahati sa pagitan ng mga sang-ayon at kumukontra sa pamamahala ni Cristina Fernandez de Kirchner.
“Kurtinang Electronic” ng Iran Ginawan ng Animasyon ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos
Naglabas ng isang maikling animasyon sa YouTube ang Kawanihan ng Pandaigdigang Programa sa Impormasyon, na bahagi ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos, tungkol sa pinapatupad na "kurtinang electronic" sa bansang Iran.
Tsina: Reaksyon ng mga Netizen sa Paglulunsad ng Satellite ng Hilagang Korea
Noong ika-27 ng Marso, inanunsyo ng Hilagang Korea na matutuloy ang planong paglulunsad ng satellite sa kalagitnaan ng Abril sa kabila ng pagbisita ng Pangulo ng Estados Unidos na si Barack Obama sa Timog Korea ngayong linggo. Naging maingat naman ang Pangulo ng Tsina na si Hu Jintao sa pagbibitaw ng salita, samantalang hati naman ang pananaw ng mga netizen sa mga social media.
Taiwan: Nasaan ang mainland?
Tinalakay ni Tim Maddog sa Taiwan Matters ang paggamit ng mga tao sa Taiwan sa salitang “mainland” upang tukuyin ang Tsina. Iginiit niya na ito ay bahagi ng mga turo...