Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pag-uulat tungkol sa London 2012 Olympics.
Noong ika-24 ng Hulyo, 2012, ilang oras bago magsimula ang Olympic torch relay [en] sa kalakhang London, kataka-takang itinanggal ang pambansang watawat ng Taiwan mula sa mga nakasabit sa Kalye Regent [en] sa kabisera ng United Kingdom. Nanatili namang nakahilera doon ang iba pang mga bandila bilang masayang pambungad sa mga delegado mula sa iba't ibang panig ng mundo para sa pandaigdigang Palaro ngayong panahon ng tag-init.
Maraming taga-Taiwan ang nadismaya dahil sa biglang pagkawala ng kanilang bandila. Reklamo pa ng Facebook user na si Yi-hao Liao [zh]:
哀… 原本還高興一下下的
Tanong ng Reddit user na si lol_oopsie [en] kung bakit nga ba tinanggal ang pambansang watawat:
I'm curious to know whether this is London officials panicking, or whether Chinese authorities warned them to take it down. Either way, I think it deserves some attention. All of the Olympic coverage has totally ignored it.
Sinbukuan naman ng reddit user na si mintytiny [en] na magbigay ng paliwanag:
Though didn't offer any explanation, yet according to Regent Street Association, they'll replace it with the Olympic flag used to represent Taiwan.
I have to say, this is really lame and any real explanation will be better.
Gumawa naman ang Facebook user na si Melissa Alexender ng isang larawan bilang protesta [en] sa pagtanggal sa pambansang watawat ng Taiwan:
Kasama sa larawang ito, hinimok ni Melissa ang lahat na magpadala ng email sa Anastasia, ang pangkat na nangangasiwa sa Kalye Regent, upang ihiling na ibalik ang pambansang bandila ng Taiwan. Bilang tugon sa panawagang ni Melissa, sumulat si Kenneth Wong sa Samahan ng Kalye Regent, at ito ang naging sagot ng pangasiwaan ng naturang samahan [en]:
Dear Kenneth
Thank you for your email.
This matter has been raised and I can confirm that the Chinese Taipei Flag will be going up tomorrow evening.
I can ensure you that all competing nations flags will be displayed.
Kind regards
Lucy Turnbull
Regent Street Association Ltd
Salamat sa iyong email.
Amin nang tinalakay ang bagay na ito, at makukumpirma ko na bukas ng gabi, mailalagay ang bandila ng Chinese Taipei.
Matitiyak ko sa iyo na isasabit ang lahat ng mga bandilang kasali sa kompetisiyon.
Gumagalang
Lucy Turnbull
Samahan ng Kalye Regent
Nadismaya naman si Melissa Alexender [en] sa sinagot ng grupo:
We don't want the Chinese Taipei flag but our national flag! Regent Street is not covered by the Network of London Olympic Route neither part of Olympic Stadium, hence, there is no reason to refuse the placement of Taiwanese national flag!
Sa kabilang banda, nagsulat naman ang tagapag-disenyo na si Tammy Lin ng ilang nakakatuwang mungkahi [en] upang itama ang sitwasyon, gaya ng pagpuslit ng bandilang Taiwanese at ibalik ito sa kalye, paggawa ng patalastas ng bandila sa 3D, o ang paggawa ng bandila gamit ang QR code [en].
Ang artikulong ito ay bahagi ng aming espesyal na pag-uulat tungkol sa London 2012 Olympics.