See all those languages up there? We translate Global Voices stories to make the world's citizen media available to everyone.

Learn more about Lingua Translation  »

Belarus, Ukraine: Mga Biktima ng Chernobyl, Wala Na Nga Bang Libreng UK Visa?

Kinukwestiyon ngayon, sa pamamagitan ng isang petisyon sa internet [en], ang panukalang dagdag-bayarin sa pagkuha ng visa papasok ng Britanya para sa mga taga-Belarus at Ukraine na naging biktima ng trahedya sa Chernobyl noong 1986 at pumupunta sa UK upang magpagamot.


Sa isang bukas na liham ni
Odessablogger
[en] na nakapangalan sa Tanggapang Panlabas ng UK, nakasaad ang pagtutol sa desisyong ipatigil ang pagbibigay ng libreng visa sa mga ipinanganak ng mga biktima ng Chernobyl:

[…] Hindi ba't nakakatwang isipin na patuloy ang pagbibigay ng bansa ng milyung-milyong halaga sa kaban ng EU upang tuluyang masarhan ang tumatagas na reactor, habang ipinagdadamot naman ang halaga ng visa para sa iilang biktima ng Chernobyl na magpapagamot sa bansa sa loob lamang ng 6 na buwan. […]

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.