Bansang Hapon: Isang Hinagap sa Ugnayang Hapones-Koreano Gawa ng ‘Free Hugs’

Sa Seoul, Korea, makikita sa video sa ibaba ang isang Hapones na nagpakita ng isang layon; angat-angat niya ang isang papel kalakip ang katagang “Free Hugs for Peace”. Tag-init ng nakaraang taong 2011 nang isinagawa niya ang nasabing video. Ang nasabing Hapones sa likod ng video ay si Koichi Kuwabara ay pinangunyapitan ng maraming Twitter users na nagbigay ng sari-saring puna, agad-agad pagkatapos ng pagkaka-upload ng video, tungkol sa ugnayang Japan-Korea [ja].

Sa katunayan, Agosto ng kasalukuyang taong 2012, lalo pang tumindi ang hidwaan ng dalawang bansa. Ika-10 ng Agosto, si South Korean President Lee ang naging kauna-unanhang presidente na nakatungtong [ja] sa kapuluan ng  Takeshima, na nagsilbing mitsa sa sovereignty dispute sa pagitan ng dalawang bansa.

Ika-24 ng Agosto, si Japanese Prime Minster Noda ay nagpaunlak ng  special press conference[ja] kung saan binigyang diin na, “Ang Takeshima ay kabilang sa nasasakupan ng bansang Japan”, at nagsabing ang iminungkahing pagbawas sa Japan-Korea currency swap agreement ay karapat-dapat na pagtuunan ng pansin.

Mula sa mga pangyayari noong Agosto, mga kumakalat na balita tungkol sa lumalalang hidwaan ng dalawang bansa ay naging laman ng mga usap-usapan sa halos araw-araw, sa media at Internet. Sa gitna ng mga pangyayaring ito, ang video ay patuloy na kumalat sa pamamagitan ng Twitter, at pumukaw sa damdamin ng mga nakapanood [ja]:

@megumoyamamoto: もう連日の報道にうんざりなので、心にしみた。

@megumoyamamoto: Gawa ng ako ay sawang-sawa na sa mga balita na inilalathala at inilalahad araw-araw, damdamin ko ay naantig dahil sa video na ito.

@NADA_DANCHI: どこの国でもいい人わるい人、両方いるんだよね。新しい世代で過去を反省共有しながら更に前進したいものだ。フリーハグ…マイケルの曲抜いても涙でそうだ。新しい世代!

@NADA_DANCHI: Kapwa mayroong masama at mabuti sa lahat ng panig, sa alinmang bansa. Nais ko ang sumusunod na salinlahi na magbalik-tanaw sa nakaraan, habang pinananagutan ang pagiging bahagi sa anumang pagsulong. Free hugs – maaaring ako ay mapaluha pa rin kahit pa sa kawalan ng awitin ni Michael. Bagong salin ng lahi!

@aytkk:【拡散希望】取りあえずこの動画をみるだけで何かが変わる気がする^^

@aytkk: Pagpapausbong ng pag-asa – Sa panonood lamang ng video na ito, batid ko na may silahis ng pagbabago.

Katuwang ng pagsasaalang-alang sa mga positibong pala-palagay, inusisa ni user @hyonggi[ja] ang pagkakasalungat patungkol South Korea ng ilang maimpluwensiyang “netizens” sa Internet:

この動画に出てくる「向こうに行けというジェスチャーで妨害するおっさん」だけを 編集して取り上げるような事をしている人達が「ネトウヨ」とか「ネチズン」って事なんだろう。

Ang mga “Let's interfere with transcendent gestures of conciliation” na uri ng users lamang ang nagbibigay puna sa video na ito. Marahil, sila ay mga “netizens” o “Nettouyo” [salitang balbal para sa right-wing Japanese nationalist Internet groups]

Gayon din, sa mga komento sa portal website Hatena, tinandaan ni y043[ja] ang petsa kung kailan na-i-post ang video, at sinabing:

2011/08/27にアップロードだから一年前の出来事か。今やっても同じ反応であって欲しいけど。

Isang taon na ang nakalipas mula nang ito ay na-upload noong ika-27 ng Agosto ng taong 2011. Aking inaasahan na may mga kibot na gaya nito sa hinaharap, kahit ngayon.

Sa kabila ng pagdagdag ng bilang ng mga nagpapahayag ng kanilang pag-suporta sa video, nagbigay si @617utogs[ja] ng tahas na paalala sa mga Twitter users na nagpresenta ng paghanga sa video:

当人がやるのは勝手だし素敵だけど、わざわざ今ツイートすることではないと思う。 こういうツイート見て国家間の問題と混同する人が出てくるのは嫌だな

Kung sinuman sila, nakagawa sila ng isang mainam na bagay, ngunit hinala ko na hindi sila ang responsable sa mga tweets. Ang mga tweets na ito ay nagsisilbing hindi magandang halimbawa sa mata ng kung sinumang nakababasa, na maaaring sila ay magugulumihanan sa kung ano man ang problemang namamagitan sa dalawang bansa.

Bukod dito, maraming di kalugod-lugod na palagay ang nai-post sa YouTube, kabilang ang post ni user tenmer100323[ja]:

現実を見ない薄っぺらい乙女チックな平和願望と自己満足な行動。 韓国との国交断絶を切に望む。

Itong mga buay, mahihinang loob, at makasariling peace activists ay piniling ipikit ang mga mata sa katotohanan. Matapat ko na aasahang maputol sana ang mga diplomatic ties kung saan kasama ang Korea.

Sa kanyang comments [ja] sa kanyang blog, isinalaysay ni Koichi Kuwabara, ang lumikha ng video na ito, kung bakit ginawa ang video:

僕はマスメディアが報じない韓国の真実の姿を見せたかったし 「日本と韓国はお互いうまくやっていけるんだ。」 「両国の未来に希望はあるんだ。」 ということを証明したかった。

Aking gustuhin na ibunyag ang katotohanan patungkol Korea; ang katotohanang hindi inilalabas ng mass media. Kaya ng Japan at Korea na magkapit-bisig. Ito ay aking naisin para sa dalawang nasabing bansa. Ito ay ibig ko na patunayan.

Inilakip din niya ang isang appeal[ja] for cooperation:

い~ろんな意見がネット上に飛び交ってますが このビデオを見て、素直に自分の心で感じたことが正しいことだと思います。

Napakaraming kung anu-anong pananaw ang nailatag sa Internet. Sa panonood sa video na ito, ang bawat reaksyon ay produkto lamang ng makatotohanang pagpapahayag.

「自分が感じたことを良い方向へもっていくにはどうすればいいか?」 解決策を一緒に探しませんか?

Malamang tama na aking tunguhin ang tamang landasin, paano natin ito maisasakatuparan sa abot ng ating makakaya? Hindi ba't nararapat lamang na magkasama tayong humanap ng kalutasan?
Contributing author : Izumi Mihashi

Start the conversation

Authors, please log in »

Guidelines

  • All comments are reviewed by a moderator. Do not submit your comment more than once or it may be identified as spam.
  • Please treat others with respect. Comments containing hate speech, obscenity, and personal attacks will not be approved.